Chapter 8

2.4K 127 28
                                    

            Chapter 8

Halos magkasunod na isinuot nina Nexus at Gherly ang kanilang mga maskara para itago ang kanilang mukha. Marahan silang naglakad papunta sa kinaroroonan ng planta. Hindi pa nagbubukas ang gate dahil may mga binubusising papeles ang mga guwardiya. Nangunguna si Nexus dahil mas kabisado na nito ang lugar. Umikot sila ng kaunti at dahan-dahang pumailalim sa sasakyan at saka sumabit doon. Ilang sandali pa ang kanilang hinintay bago umandar ang mga sasakyan. Nagawa nilang pumasok sa loob ng planta nang walang nakakapansin. Ilang sandali pa ay huminto na ang truck. Nagkatinginan sila ngunit pareho silang tahimik lang.

Maya-maya pa ay nakarinig sila ng mga papalapit na yabag, binuksan ang pinto ng mga close van. Naramdaman nilang may mga ibinababang mabibigat na kargamento. Bahagya nilang naaninag ang mga malalaking kahon na gawa sa kahoy. Kataka-taka na ang planta ng tabako ay mangangailangan ng ganoon kabibigat at karaming kargamento? Inantay muna nilang maubos ang laman ng mga van at nakiramdam sila kung may mga bantay sa paligid. Marahang bumaba si Nexus sa kinasasabitang mga pipes ng sasakyan. Marahan siyang gumulong para makadapa at saka sinilip ang paligid sa labas. Nasa bandang-likod sila ng parking area, malapit sa ipinagbabawal na bodega.

"It's safe." ang mahinang bulong ni Nexus.

Gumulong ito palabas ngunit...

"May nakapasok!" ang malakas na wika ng isang armadong lalaki.

Akma siya nitong babarilin ngunit mabilis niyang kinuha sa gilid ng boots ang kanyang army knife at kaagad na ibinato sa noo ito. Natumba ang lalaki, kaagad niya itong nilapitan at inalis sa noo nito ang kutsilyo niya. Hinila niya ito sa gilid at siya namang paglabas ni Gherly mula sa silong close van.

"Safe pala ah?" ang wika ng dalaga.

Nagkibit-balikat si Nexus, magsasalita sana siya ngunit nakaranig sila ng mga papalapit na yabag. Magkahiwalay silang nagtago sa mga sulok. Napunta sa kanang bahagi si Nexus at nagtago sa mga naglalakihang kahon. Si Gherly ay nasa kaliwa naman at sa mga malalaking estante nagtago. Dumating ang ilang kalalakihan.

"Tang'na! Mukhang napasok tayo ah?!" ang malakas na wika ng isang lalaki.

Tatlo ang mga armadong lalaki na dumating, magkakasunod silang napatingin sa bakas ng dugo na nasa sahig. Sinundan nila iyon at halos sabay-sabay silang napaatras nang makita sa sulok ang duguang kasama. Tarantang inutusan ng pinakapinuno ng mga ito ang isang kasamahan na magtawag pa ng resbak. Nagkatinginan sina Nexus at Gherly, napatango sila sa isa't-isa at saka inihanda ang kanilang mga gagamiting baril. Nagsenyas si Nexus na maghanda na sila sa pagsugod. Nagbilang ito ng tatlo sa kanang-kamay at...

Magkasabay silang lumabas sa kanilang pinagtataguan at walang habas na pinuntirya ang mga armadong lalaki na naroon. Dumating na rin ang iba pang tauhan ni Don Mariano ngunit pareho na silang naka-ambush position. Dere-deretso lang sila sa pagpapaputok ng kanilang mga baril habang patakbong tinutungo ang kinaroroonan ng malaking bodega. They were cold blooded being this time... Train sila pareho kaya kahit mas maraming tauhan si Don Mariano na armado ay walang nagawa ang mga ito sa kanila. Mabilis din silang magreload ng kanilang mga baril. Mas maraming tauhan ang sumalubong sa kanila kaya naman naghagis na sila ng granada. Nagkaroon ng malakas na pagsabog at na clear ang area kung saan sila papasok. Pagkapasok nilang dalawa sa loob ng bodega ay pareho silang natigilan dahil nakatutok ang mga de kalibreng baril sa kanila. Napaghandaan silang dalawa, kaya pala nagpadala ng mga decoy. Ang masama pa nito ay mga mercenary ang mga nasa loob, katulad nila ay train din. Mga ex-military men na mas piniling maging bayarang kriminal ng mga mayayaman.

"Men in action agents... Kataka-taka na dalawa lang kayong narito?" ang wika ni Don Mariano.

May ibinulong dito ang katabi nitong lalaki na may malaking pilat sa itaas ng kanang-kilay.

MEN IN ACTION 12: Nexus SpringfieldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon