Chapter 12
Napakagat sa pang-ibabang labi si Gherly nang buksan niya ang cabinet sa loob ng barracks ni Nexus. Mabilis ang kilos niya dahil baka maabutan siya ni Nexus sa ginagawa niyang kalokohan. Dali-dali niyang kinuha ang mga nakahilerang damit at saka inilagay sa dala niyang travelling bag na may kalakihan. Nasa panghuling hilera na siya ng mga damit nang biglang may sumakal sa kanyang leeg, matipuno at basa pang braso.
"Who are you?!" ang mariing tanong ni Nexus.
Napalunok si Ghelry at mahigpit na hinawakan ang matipunong braso na nakasakal sa kanyang leeg. Hindi niya namalayan na lumabas na ng banyo si Nexus! Nagigil siya, bakit hindi siya nag-ingat? Kung train siya eh mas lalo na ito! Napumiglas siya at saka pasimpleng siniko sa sikmura ang lalaki, nilakasan niya iyon. Napabitaw ito sa pagkaka-lock sa kanya at saka mabilis na ibinalya si Nexus sa sahig... Only to find out... Hubad! Kitang-kita niya ang kabuuan ng katawan nito at napatanga siya sa kanyang nakita. Nawala siya sa huwisyo at bag! Hindi niya namalayan na naibalibag din siya ng lalaki, mabilis siyang dinaganan at ni-lock ang kanyang leeg.
"Paano ka nakapasok dito? Anong kailangan mo at sino ang nagpadala sayo?!"
Pinipilit niya itong itulak ngunit mas malakas ito sa kanya lalo pa at ginamitan siya ng malakas na puwersa. Hindi nagtagal ay marahas na inalis ni Nexus ang suot niyang mask. Natigilan ang binata sa ginawa at napakurap.
"Gherly?!" ang gulat nitong bulalas.
Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ng dalaga. Inalis ni Nexus ang pagkaka-lock sa kanyang leeg ngunit nananatili itong nakadagan sa kanya ng hubad at basa. Katakot-takot siyang napalunok dahil aware na aware siya sa kanilang posisyon. Alanganin siyang napangiti dahil nag-iisip siya ng sasabihin.
"Huwag mo akong ngitian ng ganyan, baka isipin ko na nang-aakit ka. Sabihin mo sa akin, ano ang ginagawa mo dito?"
Malalim na napahinga si Gherly, damang-dama niya sa kanyang mukha ang mainit at preskong hininga ni Nexus, maging ang katawan nito na fresh galing sa banyo. Muli, napalunok siya.
"G-Get off, Nexus and I'll explain..." ang mahina niyang wika.
Isang mapaghamong tingin ang ipinukol ni Nexus sa kanya at saka pilyong ngumiti.
"No Gherly... Explain now. This is my way of interrogating you, whether you like it or not..." he grin sexy.
Pinaglandas ito ang kanang-hintuturo sa labi niya, bumaba iyon patungo sa kanyang leeg at nanlalaki ang mga mata niyang napatitig dito dahil bumababa pa ang kamay nito...
"Kapag hindi ka pa nagsalita, baka kung saan pa mapunta ang aking kamay..." ang pilyo nitong babala.
Mariin siyan pumikit dahil nag-iinit ang kanyang katawan at tila nawawala siya sa huwisyo. Bahagya niya itong itinulak ngunit ayaw talagang magpatinag sa kanya.
"Okay, okay! I'll explain!"
"Then start now, baby..."
Katakot-takot na paglunok ang ginawa ni Gherly lalo na nang makita niya ang mariing titig ni Nexus sa kanya. Napapikit siya dahil doon, matutunaw yata kasi siya kaya hindi niya kayang salubungin.
"B-Balak ko sanang nakawin ang mga damit mo habang naliligo ka. Itatago ko lang naman lahat at gusto kong makita kung ano ang iyong gagawin kung sakali... Curious lang ako." ang mabilis niyang paliwanag.
Parang gusto niyang pagsisihan kung bakit nakigaya pa siya sa kalokohang ginawa ni Heide kay Apollo, dapat sana nag-isip siya ng sarili niyang kalokohan.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 12: Nexus Springfield
RomanceIsang malaking lihim sa pamilya ni Gherly na isa siyang spy... Ngunit nanganganib iyong sumiwalat dahil sa lahat ng puwede niyang maging kapitbhay ay ang superior niyang si Nexus ng Men in Action. Hindi sila in good terms dahil sa isang pangyayari p...