Chapter 7

2.1K 129 37
                                    


                  Chapter 7


Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Gherly habang inilalagay niya sa tupperware ang mga niluto niyang pagkain. Dadalhan niya ng mamemeryenda si Nexus. Kanina lang ay nakipagkaibigan siya sa mga asawa ng mga trabahador sa planta. Puwede daw dumalaw doon at magdala ng pagkain pero hanggang sa may gate lang. Medyo marami din siyang nalaman na karamihan sa ilang kaibigan ng pamilya ay mga sikat na pulitiko at ilang mga negosyante na medyo kuwestiyonable, sila iyong mga hindi kilala pero ubod ng yaman. Kailangan din niyang makita ang bungad para mapag-aralang maigi, kahit na may blue-print na sila, mas iba pa rin na personal iyong makita. Tinext na niya si Nexus at nag-okay ito sa kanya. Siyempre, dinamay na rin niya sa pagkain si Dawson para naman hindi halata... Natigilan siya at saka bahagyang napailing.

"Hindi ko naman totoong asawa si Sir Nexus..." ang mahina niyang wika.

Napabuga siya ng hangin at gumalaw ang ilang strands ng buhok niya sa mukha.

"Ano bang iniisip ko? Bawal lumandi sa trabaho at saka hindi ako magpauto kay Sir Nexus kahit sinabi niyang gusto niya ako. Babaero iyon, saka malay ko ba kung pinagtritripan ako? Baliw iyon eh. Casual lang iyong usapan namin kagabi."

Iyon nga lang ay bigla siyang natawa ng mahina dahil naalala niya iyong sinabi nito na fifty-percent virgin daw dahil wala pang pinuputukan?! Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili at saka naghanda na sa paglakad. Siya ang pinakabata sa mga makakasabay niyang Misis at panay nga tukso ang abot niya dahil baka gabi-gabi daw siyang pinupuyat at pinapagod... Siyempre, kainitan daw ng romansa dahil nasa honeymoon stage. Medyo sinakyan na lang niya ang biro nila kahit madalas na mamula ang mukha niya dahil sa pagkabrutal ng kanilang bunganga. Oo nga at hindi na siya ignorante tungkol sa sex pero wala pa naman siyang experience...

Samantala... Bahagyang nagulat si Nexus nang makita niya sa kanyang tabi ang manager nilang si Teresa. Medyo malaya ang kilos niya dahil kung pag-o-audit ang trabaho niya, kalalagay lang niya ng isang tracker sa isang hallway. Siyempre, off limits siya doon sa pinakadulong bodega.

"Malapit na ang oras ng break, talagang sinisipagan mo ah?" ang puri nito sa kanya.

Ngumiti ng matipid si Nexus sa babae.

"Talagang kailangang sipagan Ma'm, bagong kasal lang eh. Saka siyempre dapat na ring paghandaan kung sakaling magkaroon na ng baby." ang wika niya.

Medyo napa-grin siya ng pilyo dahil naalala niya ang usapan nila ni Gherly kagabi. Kahit paano ay hindi na ito naiilang sa kanya. Naging magaan at masaya ang kanilang convo.

"Ganoon ba? Sumabay ka na sa akin na magmeryenda. Hindi mo gaanong kabisado itong planta, baka maligaw ka. Unang araw mo palang ngayon eh."

Bahagyang napailing si Nexus.

"Salamat na lang po Ma'm, pero kasama ko naman ang bayaw ko. Isa pa, magdadala ang Misis ko mamaya ng meryenda. Baka nga parating na iyon eh."

"Kung ganoon makisabay na ako sa paglabas. Kukunin ko din kasi iyong mga pinabili kong pagkain."

"Ah, sige po."

Dala ang mga gamit ay nauna na siyang lumakad para puntahan si Dawson. Medyo nagulat siya nang umabrisite sa kanya ang babae, gusto sana niyang alisin ang kamay nito pero marami ang nakatingin at ayaw niyang mapahiya. Isa pa, baka matanggal agad siya kapag ginawa niya iyon. Gusto pa naman sana niyang makausap si Dawson ng sarilinan. Kakamustahin niya kung nakapaglagay na ito ng mga tracker sa mga designated area na nakalagay sa blue-print.

MEN IN ACTION 12: Nexus SpringfieldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon