Chapter 3
Bahagyang nagulat sina Nexus at Gherly nang magbukas ang maliit na pinto ng gate sa bahay ni Velvet. Medyo napalayo sila sa isa't-isa at amaze naman na napatingin si Beauty sa kanila. Hindi pa mahahalata ang pagdadalang-tao nito dahil maliit pa ang tiyan.
"Kayong dalawa pala. May kailangan kayo?" ang napangiti nitong tanong.
Nagkatinginan sina Gherly at Nexus, hindi nila malaman kung sino ang unang dapat magsalita pero sa bandang-huli ay...
"Ang totoo niyan kasi ay-." ang halos sabay nilang wika.
Napakamot sa kanyang ulo si Nexus at napangiti sa dalaga.
"Sorry, ikaw pala dapat ang magsalita." ang hinging paumanhin nito.
Napatango ng bahagya si Gherly.
"Oo ako nga dapat, Sir."
Amaze naman napatitig sa dalawa si Beauty.
"Pumasok muna kayo sa loob." ang wika niya.
Ngumiti ng alanganin si Gherly, nahihiya siyang napatingin sa babae. Ang simple lang ng kagandahan nito, bagay na nagustuhan ng pinaka-babaerong Men in Action agent na si Velvet.
"Naku, salamat na lang Ma'm. Ang totoo niyan, mag-iimbita sana ako para sa blessings ng bahay namin. Sa susunod na araw, Miyerkules."
"Ah, ganoon ba? Sige sasabihin ko kay Velvet. Wala siya ngayon eh, nasa headquarters. Sigurado ba kayong hindi na kayo papasok sa loob?"
Sa pagkakataong ito ay si Nexus na ang nagsalita.
"Salamat na lang Beauty, marami pa kasi kaming pupuntahan ni Gherly eh. Sa ibang pagkakataon na lang."
Napangiti tuloy si Beauty sa dalawa. Hindi na siya napumilit. Nagpaalam na ang dalawa sa kanya at tumuloy na sa ibang bahay ng mga agent. Isinara na ni Beauty ang gate at pumasok na sa loob ng bahay.
Napatuloy naman sa paglalakad sina Gherly at Nexus para magbahay-bahay upang mag-imbita. Habang naglalakad ay namayani sa kanilang dalawa ang nakakabinging katahimikan. Medyo madilim na ang paligid at papunta na sila last stop, ang farm ni Chase. Nang makita sila ng mga tauhang nagbabantay sa may bungad ay kaagad silang pinagbuksan ng gate. Nadatnan nila sa may terrace ang Junior Agent na si Guile, nagkakape ito.
"Ate Gherly, Sir Nexus! Ano ang atin?" ang kaagad nitong bungad sa kanila.
Ngumiti si Gherly sa Junior Agent.
"Tamang-tama nandito ka na rin... Mag-iimbita ako ng-"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siyang inunahan ni Guile.
"Mag-iimbita na kayo ng kasal? Agad-agad?! Wow, Sir Nexus! Kiss lang iyon ah? Sinobrahan mo naman ata ang implementation sa batas ng Article 143. Di ba dapat minor assault lang iyon? At dadaan muna sa inquest-Araaay!!!..."
Bigla kasing nilapitan ni Nexus si Guile at saka marahang kinutusan.
"Masyado kang Advance mag-isip! Tumigil ka diyan, mahiya ka nga kay agent G!" ang saway pa ni Nexus.
Bigla namang naitikom ni Gherly ang bibig. Kahit pala ang mga Junior Agents updated sa nangyari pero anong aasahan niya.. Sinabi sa kanya ni Agent Al na mas tsismoso ang mga lalaki kaysa sa kanilang mga babae. Ayaw lang umamin at sasabihin lang na updated. Napabuga siya ng hangin at saka napatingin kay Guile na nagpipigil matawa habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Nexus. Kaya nga niya tinatanggihan na samahan siya nito eh... Sa totoo lang, kota na siya sa panunukso ng mga katrabaho nila, simula pa kanina. Huminga siya ng malalim.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 12: Nexus Springfield
RomanceIsang malaking lihim sa pamilya ni Gherly na isa siyang spy... Ngunit nanganganib iyong sumiwalat dahil sa lahat ng puwede niyang maging kapitbhay ay ang superior niyang si Nexus ng Men in Action. Hindi sila in good terms dahil sa isang pangyayari p...