Chapter 1
Napailing at napakamot na lang si Nexus sa kanyang batok ng mapatingin siya sa nag-aalalang mukha ni Pepper, ang nakababatang kapatid ni Beauty. Nag-aalala itong napatingin sa kanya at sa cute na si Patchi na nakahiga sa table kung saan niya ito tsine-check up.
"Ano Kuya? May sakit ba si Patchi? Anong kailangang gawin? Malala ba?" ang sunud-sunod nitong tanong.
Natawa ng mahina si Nexus at saka bahagyang napailing. Tahimik lang naman ang nakababatang si Peter habang nakatingin din kay Patchi na super malaki na. Tumingin siya dalawang bata.
"Praprangkahin ko na kayong dalawa-"
"Naku, huwag mong sabihing mamamatay na si Patchi! Malalagot kami nito kay Kuya Velvet, mas lalo na kay ate Pangs! Panganay na baby nila itong si Patchi eh!!!... Gawan mo ng paraan, Kuya Nexus!! Please, please!!!..." ang maingay na wika ni Pepper.
Bagamat hindi nagsasalita ay napangiwi na si Peter pagkatapos ay nangilid na ang luha sa mga mata nito.
"Relax! Relax lang kayo! Hindi pa mamamatay si Patchi! Healthy siya, healthy!" ang nagpapakalma niyang wika.
Nakahinga ng maluwag ang dalawang bata at si Pepper, sinapo ang noo.
"Pambihira ka naman Kuya, tinakot mo kami ni Pedro eh."
Napaismid ang binatilyo at napatingin sa ate nito.
"Ate, Peter talaga ang pangalan ko... Kinuha kay Spider Man kasi pinaglihi ako doon sa artistang gumaganap sa kanya. Utang na loob, binata na ako... Alisin niyo na ang Pedro."
Iyon nga lang ay nagkibit-balikat si Pepper dito.
"Makinig kayo sa aking dalawa..." ang umpisa niya.
Kanina lang ay humahangos na dumating ang mga ito sa bahay niya. Napaso pa ng bahagya ang labi niya sa iniinom niyang kape dahil nabigla siya sa pagdating ng mga ito. Buhat si Patchi at tarantang-taranta. Wala sa bahay sina Velvet at Beauty dahil sa check up. Tama, check up dahil nagdadalang-tao na si Beauty... Tatlong-buwan na. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang ikasal ang dalawa.
"Kung ganoon, ano ang nangyari kay Patchi?" si Peter.
Muli napabuntung-hininga si Nexus.
"Na-impatso si Patchi, nasobrahan sa pagkain. Tsaka tingnan niyo nga, mukhang kailangan niyo na siyang i-diet. Hindi maganda para sa kanya ang sobrang katabaan ng katawan. Hindi na ba siya isinasama ni Velvet sa pagjo-jogging tuwing umaga?"
Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Pepper.
"Ang totoo niyan, si Patchi tinamad nang sumama kay Kuya Velvet simula nang lumobo ang katawan niya. At aaminin kong guilty kaming magkakapatid diyan kasi... Kasi... Napadalas ang pakain namin sa kanya eh.. Nakakatuwa naman kasi Kuya, ang takaw niya eh!"
Napailing ng bahagya si Nexus, muli siyang napatingin kay Patchi na matabang-mataba at ubod ng cute.
"Obese na si Patchi. Imbes na magmukha siyang matured na saint bernard, mas mukha na siyang damulag na teddy bear. I-diet niyo siya okay? Gagawa ako ng routine para sa kanyang pagkain at sa kanyang exercise, kailangan niyang maging active ulit para sa kanyang kalusugan. Importante iyon. Para ding mga tao ang mga iyan. Mas kailangan nga lang ng dobleng tender-loving care at sa parte niyo ay medyo napasobra kayo... So, naiintindihan niyo ba?"
"Opo Kuya, susundin namin lahat ng sasabihin mo." si Peter.
Hinaplos ni Nexus ang ulo ni Patchi. Kanina ay binigyan niya ito ng panunaw para sa impatso. Kaya okay na ito. Mabango si Patchi at halatang alaga sa paligo. Hindi siya nagkamali na ibigay ito kay Velvet.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 12: Nexus Springfield
RomanceIsang malaking lihim sa pamilya ni Gherly na isa siyang spy... Ngunit nanganganib iyong sumiwalat dahil sa lahat ng puwede niyang maging kapitbhay ay ang superior niyang si Nexus ng Men in Action. Hindi sila in good terms dahil sa isang pangyayari p...