Chapter 5
Napatingin sa isa't-isa sina Nexus at Gherly, isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa kanilang pagitan. Ilang segundo ang lumipas ay pareho silang umiwas ng tingin dahil kapwa nakadama ng pagkailang. Muli namang nagsalita si Dawson.
"Ako na ang bahalang maghugas ng mga pinagkainan natin. Alam kong pagod kayo sa mahabang biyahe eh. Saka pagkatapos kong maghugas, sasabihin ko sa inyo ang mga nakuha kong impormasyon sa pagpasok ko sa planta." ang wika nito.
Nakita ni Gherly ang malalim na pagbuntung-hininga ni Nexus.
"Maganda iyan. Malaki ang maitutulong ng mga nakuha mong impormasyon para matantya ko ang pagkilos sa loob."
"Oo Sir, mamaya. At sayo naman agent G, ikaw ang bahalang magmanman sa mga taong nakapaligid sa lugar. May private army ang taong minamanmanan natin. Bago ka makapasok sa bahay niya, ilang gate ang dadaanan mo at bawat gate ay may nakatalagang mga guwardiya na puro armado ng mga de kalibreng baril. Puwera pa iyong mga nakabantay sa bakuran ng bahay. Hindi ka rin basta puwedeng makipag-usap sa miyembro ng pamilya ng walang pahintulot. Ganoon sila kahigpit."
Amaze na napatitig si Gherly kay Dawson.
"Nakapasok ka na ba sa bakuran nila?" ang tanong pa niya.
Bahagyang umiling si Dawson.
"Hindi pa. Nakuha ko lang ang impormasyon sa mga kasamahan ko sa trabaho. Nakikipagkuwentuhan ako sa kanila tuwing lunchbreak. At totoo naman ang mga iyon dahil ilan sa kanila ay nakapasok na sa loob ng bakuran ni Don Mariano. Nagkataon na may inutos sa kanila at lahat sila, sinabing ayaw nang maulit na magpunta doon. Baka kasi hindi na sila makalabas ng buhay."
"Malaking bagay na rin iyon. Huwag tayong magmadali, maghinay-hinay lang tayo sa pag-eespiya." ang wika naman ni Nexus.
"Sang-ayon ako diyan, Sir Nex. Naihanda ko na ang resume na gagamitin mo. Bahala ka na lang sumagot sa interview."
"Sige, ako na ang bahala."
Nananatiling tahimik si Gherly habang nakikinig siya sa dalawang lalaki. Wala naman doon kasi ang utak niya... Iniisip niya kasi kung paano siya matutulog na kasama si Nexus sa iisang silid. Nakadama siya ng pag-iinit ng mukha. Kahit gusto niyang mag-isip ng ibang bagay ay iyon ang tumatakbo sa utak niya. Basta, huwag magkakamali si Nexus sa kanya kundi may kalalagyan ito... Kahit pa isa itong superior.
Nang matapos sila sa pagkain ay si Dawson nga ang bahalang naghugas ng kanilang mga pinagkainan. At sila naman ni Nexus ay abala sa pagbabasa ng mga impormasyong nakuha ni Dawson mula sa pag-eespiya nito sa loob ng planta. Maraming bagay doon ang kahina-hinala. Katulad nang hindi basta puwedeng pumasok sa loob ng isang bodega ng walang-pahintulot. Mga armadong guwardiya lang ang naroon. Nawala ang iniisip niya nang may ilapag sa harapan niyang papel si Nexus. Napatingin siya sa mukha ng binata at isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi nito.
"Siguro naman ay okay na itong love story natin kunwari na ginawa ni Miss Jackilyn?"
Amaze siyang napatitig sa mukha ng lalaki.
"Miss Jackilyn?" ang tanong niya.
"Oo, pinsan ni Beauty. Iyong may crush kay Sky. Kaya lang ngayon ay medyo nali-link siya sa boss niya eh. Kay Randall Acosta."
Napataas siya ng kanang-kilay sabay sabing...
"With details pa talaga na linked si Miss Jackilyn sa isang hombre ng Acosta Clan ah?" ang pasimple niyang sita.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 12: Nexus Springfield
Storie d'amoreIsang malaking lihim sa pamilya ni Gherly na isa siyang spy... Ngunit nanganganib iyong sumiwalat dahil sa lahat ng puwede niyang maging kapitbhay ay ang superior niyang si Nexus ng Men in Action. Hindi sila in good terms dahil sa isang pangyayari p...