Val's POV
"Tara sayaw tayo!" sabay hatak kay Arianne.
"Lasing ka na eh. Tara uwi na tayo" - Arianne
"Teka, nakikita mo ba yun. Si Sef un di ba? Ay bakit naman siya maupunta dito. Lasing na nga siguro ko"
"Baliw ka talaga Val! Si Sef nga yan"
"Sef! Sef! Tulungan mo naman ako oh. Lasing na kasi tong si Val. Eh may hinihintay pa kasi ko di ko siya mahahatid. Wala pa naman siyang dalang kotse kasi sakn siya nakisakay pagpunta dito"
"Oh sige. Ako na bahala. Ihahatid ko na lang siya."
"Thanks. Hoy Val. magtino ka ha!"
"Ano bang si -- sinasabi mooo? Te-- ka. Kamukha mo yung kaklase kong mahangin ah"
"Uy Val. ano ba? sabing si Sef nga talaga yan e. Sige na Sef. pakihatid na lang yang bruhang yan. Salamat talaga."
"Sige, una na kami. Wag ka mag alala, Iingatan ko tong kaibigan mo"
Sef's POV
"Ang bigat naman ng babaeng to. ang slim pero ang bigat."
"Uy unggoy. ma-- may sinasabi ka baaaa?"
"unggoy ka dyan!"
Sh*t. Bakit ang hot niya tignan. mas naging hot siya ngayon kasi lasing siya. Teka ano ba tong naiisip ko?
Finally naisakay ko na siya sa kotse. ang gagawin ko na lang ay magdrive papunta sa kanila.
Uwaaaahhh--uwaaaah.
"Oh no! ano ba yan Val! bakit di ka nagsabi? Bakit ka sumuka sa kotse ko!!"
"Hihihii. So--Sorry." Naku. nakuha niya pang magpeace sign at ngitian ako.
Binuksan ko ang mga bintana at nilinis yung suka niya. After nun dumaan muna ko sa convenient store. tutal tulog pa naman siya.

YOU ARE READING
Who I am with you
Teen FictionSi Valerie Ramirez ay nanggaling sa mayamang pamilya, ganun din si Sef Santiago. Sa una ay hindi sila magkasundo pero may namuo sa pagitan nila. Makakaya kaya nilang lagpasan ang pagsubok kung madaming hahadlang sa kanila?