Chapter 15- Hidden Feelings

53 14 1
                                    

Valerie's POV

After many challenges sa relationship namin, nalalagpasan namin. and we're getting stronger.

Nandito ko sa room ko. Kagigising ko lang. Pumunta muna ko sa Cr.

"Valerie" I know that voice. Mapapansin ko na strikto yung pagkakasabi niya ng name ko. Bakit nandito na siya? -_____-

"What?" Inis kong sagot.

"Hindi ka ba masaya na nandito ako? At bakit ganyan ka sumagot ha?! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko Valerie?!"

"Please mom! Not now"

"At kailan Valerie? Kaya lumalaki kang matigas ang ulo e"

"Wow! Eh bakit nasan ba kayo? Ni hindi niyo nga ako makamusta. Tatawag kayo para itanong ang mga business niyo dito sa Pilipinas. Anak niyo ko! Sana makasam din ako sa mga priority ni---" Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko dumapo na sa mukha ko ang kamay ng magaling kong nanay.

"Paano ka natutong sumagot ng ganyan? You're our only child, Priority ka namin. Kaya nga kami nagtatrabaho ay para sayo at sa kinabukasan mo. Sa boyfriend mo siguro nakukuha yang asal kalye mo! Bakit hindi mo sinabi samin na may boyfriend ka ha?"

"Wala akong pakialam s kinabukasan ko. Ang kailangan ko kayo! At wag na wag niyong isasama dito si Sef. Nagtanong ba kayo? Kahit naman sabihin ko wala namang mangyayari di ba? KASI WALA KAYONG PAKIALAM SAKIN!"

Tuluyan na kong lumabas ng kwarto ko at ng bahay. Nakakaasar. All this time. Naging sunud sunuran ako sa gusto nila. Hindi ko sila sinusuway. Ayos pa nga kapag nakakagawa ako ng mali e. Napapansin nila ko.

*beep beep*

"Baby, anong ginagawa mo sa labas? Nagbreakfast ka na ba?"

"Ahmm. Hi Sef! Ano kasi. Nag jojogging ako. Oo nagjojogging" Umarte ako na para bang nagjojogging nga. Mukha akong ewan.

"Hahahahah!" may nakakatawa ba sa sinabi ko? "Nagpapatawa ka ba? Nagjojogging ng ganyan ang suot? Hahahah" Oh! oo nga pala nakapantulog pa ko. Epic! -.-"

Dali dali na lang akong sumakay sa kotse niya. "Oh. bakit ka sumakay?"

"Hindi pa kasi ko nagbebreakfast"

"Edi sa bahay niyo. Yun ung usapan natin di ba?"

"Ano kasi. May malaking daga dun kanina. Pinapatay ko kay yaya, ayun nangamoy. Sa labas na lang tayo kumain!"

"Ikaw talaga! Dun ka na lang sa bahay ko kumain. Masarap ako magluto! " Sabay kindat niya sakin. Baliw talaga to.

Pinagluto niya ko tapos nagkwentuhan lang kami.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

"Ayoko sa bahay e."

"Bakit?"

"Wala ka naman dun e!"

"Nako. ikaw ha?! edui sasamahan kita dun"

"Ha? Wag na. eto nga, uuwi na e." Hayy. kelangan ko talagang harapin si mommy.

Sa bahay.

"San ka galing? Kumain ka na ba? Lumalabas kang ganyan, hindi ka ba nahihiya?"

"Mom, wag kayong umarte na para bang may pakialam kayo sakin! At anong nakakahiya na lumalabas akong ganito? Atleast totoo ko sa sarili ko. Eh kayo?"

"Sumosobra ka na Valerie! Hindi ka namin pinalaki na ganyan. Ang ayos ayos mo nung iniwan ka namin dito." pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Yun na nga Mom. matagal na panahon na yun. Mas kilala pa nga ako ng ibang tao kesa sa inyong pamilya ko e. Nakakainis yung laging kayo yung TAMA. Never niyo kong pinakinggan. Buti pa yung ibang tao proud sakin at naaappreciate yung mga simpleng bagay na ginagawa ko. Eh kayo? Lagi na lang yung mali ko ang napupuna niyo. Kaya kahit anong effort ko, hindi pa din sapat. Mahal ko kayo. Pero sana. Sana! Subukan niyo kong intindihin." Tuluyan ng pumatak ang luha ko. Sa sobrang sama ng loob ko. Ang tagal kong tinago to. Kinimkim.

Lumipas ang mga araw. Parang hindi kami nagkikita sa bahay. Hindi nagpapansinan. Palibhasa Pupunta ako ng school. Pag uwi ko wala siya at nasa branch ng business nmin dito sa Pilipinas. Pag umaga, tulog pa siya.

*****

Kauuwi ko lang galing eskwelahan. Papunta na sana ko sa kwarto ko ng tawagin ako ni yaya.

"Maam Valerie. Ang mama niyo."

"Hayaan mo siya yaya."

"Inatake po sa puso, nasa kwarto niya."

"Ha?! Eh bakit hindi niyo dinala sa hospital??!!" Dali dali akong pumunta sa kwarto niya.

"Mom!" ang kinagulat ko. Nakita ko siyang nakaupo sa may kama at maayos na maayos ang lagay niya. Tinignan ko ng masama si yaya. Lumabas na din siya ng kwarto.

"So anong palabas na naman to Ma?"

"Anak."

"Dyan kayo magaling! Ang manloko ng ibang tao! Ako pa yata ang aatakihin sa puso dahil dyan sa mga drama niyo e!"

"Valerie, Im sorry. Wala akong maisip na paraan. Hindi mo naman ako kinakausap. I know madami kaming pagkukulang ng Dad mo. Im sorry."

*****

Naging maayos na kami ng mom ko. Nanay ko pa din siya. May respeto pa din ako sa kanya. After nun. Bumalik na din siya sa New York.

Mom calling...

"Hello"

[Valerie. Mag ayos ka.]

"Why?"

[Pupunta dyan ang parents ng fiancé mo] Tama ba ko ng dinig? FIANCÉ???!!

"What? Fiancé? Akala ko ba ayos na tayo ma?"

[My Princess, makinig ka sa mom mo. Mag ayos ka na.] Ang dad na ang narinig kong nagsalita.

"Its unfair! Ayoko! No!" agad kong inend call .

Pumunta ko kala Sef. Ayokong magkahiwalay kami. Nung nandun na ko sa bahay niya. Nagdoor bell agad ako. Pero wala yatang tayo.

To: My Sef ♡♥

Nasan ka?

Ilang minuto lang nagreply na siya.

From: My Sef ♡♥
Nandito ko sa bahay. Dumating sila Mama at Papa e.

To: My Sef ♡♥
Bahay? Nandito ko sa bahay mo e.Wala namang tao.

From: My Sef ♡♥
No. Sa bahay talaga namin. Bakit ka nandyan. May problema ba?

Hindi na ko nagreply sa text niya. Ayokong mag alala siya sakin. Hindi ko kayang magsinungaling na sabihing okay lang ako. Ngayon pa na ipapakasala ako ng parents ko sa iba. At kanino?

------

itutuloy..

HAPPY BIRTHDAY TO ME! Hahaha :)

Who I am with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon