a/n: Hi. This chapter is dedicated to @irwinhoodie95 for supporting my story. :) Keep reading! :">
Valerie's POV
Di pa din ako makatulog simula nung nangyari kahapon.
*FLASHBACK*
Papalapit sakin si Sef. Take note he is still shirtless. Para akong hihimatayin! Nang bigla siyang tumawa. Those smiles! Nakakabaliw.
"HAHHAHAHAHAHAH! Kung naki--kita mo yung itsura mo! Sobrang naka--nakakatawa!" Oo. sinasabi niya yan habang tumatawa na parang wala ng bukas.
"NAKAKAASAR KA TALAGA!" Humiga ako sa kama para matulog na. Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko. Nagulat ako ng bigla siyang tumabi sakin.
"Uy. ano ba? Dun ka nga sa baba Sef!
"At bakit? eh kwarto ko to?" Bigla akong napatigil. Oo nga room niya to. Pero how gentleman he is para sa sahig ako patulugin? -____-
"Sige na matulog ka na dyan. Goodnight Val" Lumabas siya ng kwarto. At naiwan ako sa room niya. Bakit? Bakit ganon? Ansarap pakinggan nung sinabi niya ung name ko.
Goodnight Val
Goodnight Val
Goodnight Val
Paulit ulit sa isip ko yung sinabi niya.
*END OF FLASHBACK*
Ang hirap naman. Gumising ako ng maaga at hinatid niya ko sa bahay. Since wala namang pasok. Magdamag akong lutang.
-----
Papasok na ko ng school ng may makita akong car sa harap ng bahay namin. At may lumabas na lalaki. Nagulat ako ng makita ko si-- Oo. Si Sef! Ang laki ng ngiti sa mukha niya.
"Sef! ano ginagawa mo dito? at alam ko di naman dito ang way mo papunta sa school natin?" Nagtataka kong tanong.
"Ah. Ano kasi." Nahihiya niyang sabi. "Susunduin sana kita. Sabay na tayong pumasok" Napangiti naman ako sa sinabi niya. " Pero kung ayaw mo. Okay lang" At naglakad na siya papunta sa kotse niya. Grabe talaga tong lalaking to. " Teka. Sino ba may sabi sayong ayaw ko?" At pinagbuksan niya ko ng pinto.
May sakit ba siya. Hindi si Sef na kilala ko ang nasa tabi ko ngayon. May pagkasweet din pala to. Or lahat ng to plano niya? Lahat ng babae napapaikot ikot niya. Pero bakit pati ako? Tinignan ko siya habang nagdadrive. Pero nasa road lang siya nakatingin.
Sef's POV
Nakarating na kami sa school. Hoo. Buti naman! Sobra ang kaba ko. Talagang sa kanya lang ako nagkaganito. Talagang seryoso na tong nararamdaman ko para sakanya.
Pinagtitinginan kami ng mga tao. At nakita ko na nagbubulungan yung mga babae. Kaya hinawakan ko yung kamay ni Val. Di ko alam kung bakit ko yun ginawa at halatang nagulat din siya.
Recess na. At nakita kong kausap ni Val yung lalaking nerd naming kaklase. Bakit ako nakakaramdam ng.. SELOS?
-----
Please Comment and Vote! Thanks. :)
STAI LEGGENDO
Who I am with you
Teen FictionSi Valerie Ramirez ay nanggaling sa mayamang pamilya, ganun din si Sef Santiago. Sa una ay hindi sila magkasundo pero may namuo sa pagitan nila. Makakaya kaya nilang lagpasan ang pagsubok kung madaming hahadlang sa kanila?