Sef's POV
Hay naku. Pagbalik ko ng convenient store. Tulog pa din siya. Malapit na kami makarating sa bahay ko. Binuhat ko siya at nakarating na kami sa kwarto ko.
"Hayy. Ang bigat mo talaga!"
Di maalis ang mata ko sa mukha nya. Teka! Tinititigan ko ba siya? Bakit? Ang ganda ng mukha niya. It looks perfect. Siguro nagparetoke to.
"Anong nginingiti mo dyan?" Tanong niya di ko namalayan nangingiti pala ko habang tinititigan ko siya.
"Ah eh. Wa- Wala. Ititimpla lang kita ng kape" Bumaba ako para ipagtimpla siya. Nang medyo mawala yung kalasingan niya.
Valerie's POV
Ang laki ng bahay nila. Mas malaki pa sa bahay namin. Samantalang dun sa bahay halos di na kami magkakitaan ng pamilya ko sa laki. Pababa na ko ng hagdan. Hilo pa din ako. Tatlong baitang na lang at makakababa na ko. ng biglang
DUG!
"Aray!"
"Val! Ano ba yan bakit ka kasi bumaba ayan at nahulog ka. Naglasing lasing pa kasi e!"
"Kasalanan mo kaya kung bakit ako naglasing" hininaan ko ang salita ko para di niya talaga marinig.
"Ha?"
"Wala. nasan na yung kape ko?"
"Nasa kitchen. Ano may masakit ba?" Patayo na ko ng bigla ulit akong bumuwal. Umiikot pa din ang paningin ko.
"Tara nga dito" At bigla niya ang binuhat. Parang bagong kasal. Isinandal ko ang ulo ko sa chest niya. Grabe. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Sabay sa bilis ng tibok ng puso ko.
Inuupo niya na ako. At binigay sakin ang kape.
"Mag isa ka lang ba dito?"
"Yup. Actually. bumukod na ko sa parents ko. Tsaka gusto din nila ko maging independent. Dahil ako naman ang magmamana ng business namin."
"Ah."
Umakyat na kami. At pumasok kami sa kwarto. Ang laki nito. Iniikot ko ang aking mata. Tumingin ako sa frame na nandun.
"HAHHAHAHAHAHAA Ikaw baaaa--" Di ko na natuloy ang pagsasalita ko dahil nakita ko siyang topless. Oh my! 6pack abs! O.O
"Baka naman malusaw ako sa titig mo at ang abs ko"
"Ha-aa? Nakatitig ka dyan!"
"Ahahah oh bakit ka namumula? Totoo kasi ang sinabi ko di ba?" Grabe napapalunok na lang ako ng nakita kong papalapit siya sakin.

YOU ARE READING
Who I am with you
Teen FictionSi Valerie Ramirez ay nanggaling sa mayamang pamilya, ganun din si Sef Santiago. Sa una ay hindi sila magkasundo pero may namuo sa pagitan nila. Makakaya kaya nilang lagpasan ang pagsubok kung madaming hahadlang sa kanila?