Dedicated to DamselInShiningArmor
Arianne's POV
Ano ba yan! Buti pa si Valerie at Sef nagkaayos na. Samantalang ako wala pa ding lovelife. Hindi naman big deal yun kaya lang nakakainggit :(
"Uyyy. Ano iniisip mo?"
"Arianne?"
"My loves"
"Ha?! Anong sabi mo?" Tanong ko kay Chad.
"Sabi ko Ano iniisip mo?" Hindi iyon yung gusto ko maulit
"Hindi iyon. Pagkatapos nun?"
"Arianne?" sabi niya.
"Pagkatapos pa nyan?"
"Huh? wala na. Bakit?. " Wala na ba talaga? Hayyy baka sa kakaisip ko nag aassume na ko.
"Hayyy. Wala. Nevermind." Inis kong sabi.
"Tara na nga lang!" Sabi niya sabay hatak sa kamay ko. Normal na samin yung ganito dahil nitong mga nakaraang araw siya lang ang nakakasama ko at naging malapit kami sa isa't isa.
"San ba tayo pupunta?" taka kong tanong.
"Yan!" Di na nakasagot si Chad sa tanong ko at sa tawag niyang "Yan" alam ko na kung sino ang tumawag sakin.
"Bakit Luke?" Sabi ko pagkaharap kay Luke.
"Ahmm. Tara! Sabay na tayo maglunch!" Halata sa mukha niya na kinakabahan siya pero excited din!
"Ahh." Humarap ako kay Chad. " San ba tayo pupunta?"
"Yayayain ka din maglunch" Sabi niya pero hindi siya sakin nakatingin kundi kay Luke.
"Sus. Ganon naman pala e! Sabay sabay na tayo!" Inumpisahan ko na maglakad pero nung nilingon ko sila, ayun nandun pa din at magkatitigan lang sila.
"Guys? Ano ba, Akala ko aayain niyo ko pero bakit walang gumagalaw sa inyo? Solo flight na ang ako? Mukha namang natauhan na sila at sumunod na sakin.
"San tayo kakain?" tanong ko sa kanila na pareho kong tinignan.
Sumakay na kami sa kotse ni Luke. Silang dalawa sa harapan at ako ang nasa back seat.
" Dun na lang tayo sa Restaurant. Malapit lang dito sa school" Sabi ni Luke.
"Restaurant? Tss masyadong mahal dun. Ayun dun na lang tayo.Masasarap pagkain dun. Mura pa!" Sabi ni Chad na itinuro ang nadaanan naming kainan. Sinple lang siya mukhang hindi mahal ang mga pagkain.
Hayy. Nagtatalo ngayon tong dalawa na to. Magkaibang magkaiba kasi sila. Itong si Luke. Napakamaluho. Parang nagtatae ng pera kung gumastos. Kabaligtaran naman niya si Chad. Kahit na may kaya sa buhay napakasimple.
"Okay. Fine!" Asar na sagot ni Luke.
"Yes!" Mahinang sabi ni Chad pero narinig ko.
Pinark na ni Luke tong kotse sa harap nitong kainan. Namangha ako kasi ang ganda pala sa loob nitong kainan para ka na ring nasa restaurant pero simple lang yung ayos.
Pumunta kami sa may counter at tinignan ang mga nakahaing pagkain. Wooow puro lutong ulam. Pilipino dish. Natakam naman ako. Tinuro ko ang kare-kare. At nagturo na ring si Chad. Si Luke naman halatang di sanay sa ganito. Palibhasa sa Restaurant may tinitignang Menu at waiter ang lumalapit.
Maglalabas na ng pera si Chad nang nagsalita si Luke "Ako na."
"Hindi. Ako na" Bakit ganun lagi na lang may namumuong tensyon lagi sa pagitan nilang dalawa? Dati naman hindi.
"Pre, pinagbigyan kitang dito kumain sana naman ako naman ang pagbigyan mo." Natahimik na lang si Chad at humanap ng mauupuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/21364455-288-k413678.jpg)
BẠN ĐANG ĐỌC
Who I am with you
Teen FictionSi Valerie Ramirez ay nanggaling sa mayamang pamilya, ganun din si Sef Santiago. Sa una ay hindi sila magkasundo pero may namuo sa pagitan nila. Makakaya kaya nilang lagpasan ang pagsubok kung madaming hahadlang sa kanila?