Chapter 12-Sacrifice

68 17 1
                                    

Valerie's POV

Mag iisang linggo na simula nung papiliin ako ni Yuri. Ang hirap magdecide kasi kahit anong desisyon ko may masasaktan at masasaktan. Tinext ko si Sef at Yuri na magkita kita kami.

Sa Restaurant...

"Valley!" Ayan na si Yuri. Mukhang alam niya na kung bakit ko siya pinapunta dito. Bakas sa mukha niy na excited siya sa naging desisyon ko.

"Oh. Sef! Pinapunta ka din ni Val?" sabi ni Yuri.

"Yah." Tipid na sagot si Sef.

"Ahmm. Guys. Umorder muna tayo." umorder kami ng pagkain. Habang naghihintay biglang nagtanong si Sef. " Val. Bakit mo nga pala ako pinapunta dito? Bakit nandito din tong babae na to?"

Sasagot na sana ko ng dumating na ang mga inorder ko. " Oh. Eto na pala yung pagkain. Kumain na muna tayo." Ngumiti ako ng pilit.

Pagkatapos kumain. "Valley! Baka naman gusto mo na samin sabihin ang dahilan kung bakit tayo nandito." sabi ni Yuri.

"Ano kasi. Ang hirap naman oh! Alam ko na may past kayong dalawa pero wala sakin yun. Ahmm. Yuri. You're my bestfriend kahit na umalis ka at iniwan ako, naaalala pa din kita. Lagi kang nandyan para sakin. Ayokong nasasaktan ka, lalo na kung ako ang dahilan. Sef. Lagi mong pinaparamdam sakin how special I am. Aaminin ko na mahal na kita" Nakita kong napangiti si Sef. " But, hindi ko makakaya na tayo masaya tapos may nasasaktan. Ayoko ng ganong relationship. Sorry Sef. Pero, itigil mo na ang panliligaw mo sakin." Ang sakit sabihin ng mga huling salita na binitawan ko. Napangiti si Yuri at niyakap ako.

"Thanks Valley! Bestfriend talaga kita! :)"

"Naiintindihan ko. Alam ko naman na mas importante si Yuri sayo."

"Hindi sa ganon Sef. Mahirap kasi ang sitwasyon natin." Nakikita ko sa mata ni Sef ang galit at disappointment.

Sef's POV

Ang sakit marinig kay Val na pinipili niya yung babaeng yun kesa sakin. Bakit ba kasi dumating pa siya? Ginugulo niya ang buhay ko! Ginugulo niya kami ni Val!

Sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Umuwi ako ng bahay at uminom ng alak.

"Sir. Tama na po yan. Lasing na po kayo."

"Ansha---kit. Mahal na Mahal ko siya." After kong sabihin yun agad agad ako na umalis at sumakay na kotse ko. Naririnig ko na sumisigaw ang katulong namin.

"Sir! San kayo pupunta? Lasing kayo. Kaya niyo pa ba magmaneho? Baka mapano kayo?" Agad kong pinaharurot ang sasakyan. Huminto ako sa isang bahay. Bumaba ako ng kotse.

"Val! Vale---Valerie!" sigaw ko sa labas ng bahay nila.

"Sef!" Nakita ko siyang binuksan ang gate. Agad ko siyang niyakap. " Val. Ma--Mahal na mahal ki--ta! Wag mo gawin sakin to!"

-----

Valerie's POV

Lasing na lasing si Sef na pumunta samin kagabi. Tinawagan ko ang parents niya at pinasundo siya. Alam kong nasasaktan siya at masakit din sakin na makita siyang ganun.

"Valley!" nakangiting bati ni Yuri. Nandito ko ngayon sa school at nag enroll din siya dito sa Hamilton Academy.

"Uy. Val, sino yan?" sabi ni Arianne

"Si Yuri, bestfriend ko."

"HAAAA?! Akala ko ako bestfriend mo! May iba pala!"

"Ano ka ba? Pareho ko kayong bestfriend kaya wag ka na mag emote dyan! Magkakilala na kami since high school. Business partners din ang mga parents namin."

"Ahhh. Sosyal!"

"Val. Sorry di kita masasabayan mamayang maglunch ah? Nandyan naman yung friend mo e. Right Arianne?"

"Ah. Oo. Ako naman talaga kasama ni Val kumain."

-----

Sa cafeteria..

"Val. Ano kakainin mo?"

"Hindi ko alam. Magsasandwich na lang siguro ko. Wala akong gana e."

"Nye. nagdadiet ka lang e! Sige. ako magkakanin. Hahha" May saltik talaga tong si Arianne parang wala siya laging problema. Laging ang saya niya.

Humanap kami ng mauupuan. Nang may makita kaming bakanteng upuan, agad kaming umupo doon.

"Chaaaaaaddd!" sigaw ni Arianne.

"Uyy Arianne! Wag ka nga sumigaw! Agaw atensyon ka e!"

"Hihihi. Sorry!"

"Hi. Girls!" Bati ni Chad. "Pwede ba makishare?"

"Oo naman." Sabi ni Arianne. Umupo sa tabi ko si Chad.

"Hep. Hep. Hep. Chad dito ka sa tabi ko. Pag nakita ka ni Papa Sef. Lagot ka!" di ko pa nababanggit sa kanya yung about samin nila Yuri at Sef.

"Uyy. Teka? Di ba si Sef yun? Sino yung kasama niyang babae?" tanong no Chad

" Ohh? Si Yuri yun ah?! Bakit kasama niya si Sef?! Teka! Sabi na nga ba may mali diyan sa babae na yan e. Di ka masasabayan yun pala may ibang sasabayan kala ko naman may importanteng gagawun!" daldal talaga netong si Arianne.

Pero, bakit magkasama sila Sef at Yuri. Baka naman. Binigyan na ni Sef ng chance si Yuri dahil galit siya sa naging desisyon ko. Ano ba to. Nasasaktan ako sa naiisip ko. Hindi ko kayang makita silang dalawa na magkasama. Akala ko ba magmomove on tong si Yuri?

Inaya ko na agad sila Chad at Arianne para hindi ko na makita sila Sef. Masyadong masakit silang makita.

Sef's POV

dalawang linggo na simula nung tigilan kong ligawan si Val. Nirerespeto ko ang desisyon niya pero di ibig sabihin nun sumusuko na ko sa kanya.

Nakakainis naman tong Yuri na to! Buntot ng buntot sakin! Nag enroll pa dito sa Hamilton Academy. Iniwan niya ko noon tapos ngayon hahabol habulin niya ko. Maglaway siya!

Nandito kami ngayon sa Cafeteria. Hinahanap ng mata ko si Val. Pero si Yuri ang nakita ko at papalapit sa table namin. Agad niyang pinulupot ang kamay niya sa braso ko.

"Bitawan mo nga ako!"

"Ayoko nga." aba at ang lani ng boses. Halatang nagpapacute!

"Hindi porket pumayag ako sa desisyon ni Val. eh pwede mo na ko landiin. Bestfriend ka ni Val. Bakit ka ganyan? Hindi mo naiisip ung pwede niyang maramdaman pero siya, Inisio niya yung pwede mong maramdaman."

"Yun ang mali kay Val. Masyado siyang mabait. Laging iba lang ang iniisip niya. hindi niya iniisip ang sarili niya. Kaya siya nalalamangan."

"Ang sama mo talagang babae ka!"

Nakita kong umalis na si Val kasama si Arianne at... Chad? Teka. Baka mamaya mapalapit sila sa isat isa. Baka makalimutan na ko ni Val. Hindi maaari. Hindi pwede. Dapat ako kumilos.

-----

Heeeelllo. :) Ang hirap mag isip. hahaha! ano kaya susunod na mangyayari? Keep reading. Sana nagustuhan niyo itong chapter to. Ito lang nakayanan ko e. :( HAHHAHAHAHA

PLEASE VOTE, LEAVE A COMMENT, PROMOTE AND BE A FAN. <3

Follow me on twitter:

@iamdannah26

Facebook:

Alyssa Dannah Rodriguez

Who I am with youWhere stories live. Discover now