Sef's POV
"Itigil na natin to Sef" Naguguluhan ako sa sinabi ni Valerie.
"Baby. Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi mo ba talaga naiintindihan o ayaw mo lang intindihin? Ayoko na. Nakikipaghiwalay na ko sayo"
"Naiintindihan ko naman Hindi ko lang matanggap na sumusuko ka na talaga. May nagawa ba ko? Sorry. Sabihin mo. Itatama ko. Bigyan mo pa ko ng chance, Baby" Naluluha kong sabi. Hindi ko matanggap na sa tagal ng pagsasama namin maiisipan niya pala akong iwan.
"Wala. Ikakasal na ko. Yun pwede na ba yun para pumayag ka nang makipaghiwalay sakin?" Mas masakit pala yung totoong rason niya. Ikakasal na siya? Pumayag siya ng ganun lang? Tatalikuran niya ng ganung kadali ang 2years na pinagsamahan namin. Hindi niya ko nagawang ipaglaban. Lahat pala ng sakripisyo ko, pag intindi sa kanya. Nabalewala lang.
Hindi na ko nagtanong, unti unti na lang ako naglakad palayo. Ayoko ng marinig pa. Mas masasaktan lang ako. Baka hindi ko na kayanin ang mga sasabihin niya. Mas lalo pa kung sabihin niyang hindi na niya ako mahal. Katulad lang din pala siya ni Yuri. Iiwan ako. Hindi ako kayang ipaglaban. Hindi ba ko karapat dapat na ipaglaban? Ang sakit.
Valerie's POV
Napaupo na lang ako at tinitignan ang likod ni Sef na palayo sakin. Nanghihina ako.
Sorry Sef. I'm so sorry :( Mahal na mahal kita.
*FLASHBACK*
"Mom, Ano na naman ba to ha? Di ba't napag usapan na natin to? Hayaan mo na kami ni Sef."
"No! Nahihibang ka na Valerie! Tumigil ka. Sino ba yang boyfriend mo ha? At ganyan mo siya ipagtanggol. Maging kaming magulang mo ay sinusuway mo!"
"Bakit mom? Tignan mo nga hindi mo kilala si Sef. Dahil hindi mo nilaanan ng oras na makilala siya. Ang importante kasi sa inyo yang business matters niyo. Nakakaya niyo nga akong iset up. At kayo pa ang kunuha ng fiancé para sakin? Magulang ko ba kayo?? Edi kayo ang magpakasal!"
Pak.
Sinampal ako ng magaling kong nanay. Masama ba kong anak? Kung ang nais ko lang ay mapabuti ako at di makulong sa arrange marriage.
"How dare you? Hindi ka namin pinalaki para maging ganyan ka! And what's the name of your beloved boyfriend huh?"
"Sef Santiago." Hindi ko alam kung bakit ngayon niya pa tinanong. At maya maya kinuha niya ang phone niya at may kinausap.
"Oh. Valerie. Partners pala natin sa isang business ang company na nakapangalan kay Sef."
"What's about that?"
"Hiwalayan mo siya!"
"At kung ayaw ko?"
"Babawiin ko ang shares sa company niya."
"What?!"
"Yes, at maaaring malugi ang company niya. Kaya kung ayaw mong mangyari yun. HIWALAYAN MO SIYA! AT MAGPAKASAL KA SA FIANCÉ MO!"
*END OF FLASHBACK*
Hanggang ngayon di ko alam kung tama ang ginawa ko. Hindi ko kakayaning malugi ang isa sa mga kompanya nila ng dahil lang sakin. Alam kong mahalaga kay Sef iyon. Pero nasaktan ko siya ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam ang tama sa mali. :(
Pupunta na nga lang ako sa malayong lugar. Nagpabook ako ng plane ticket. Gusto ko ng preskong hangin.
Kinabukasan agad kaming lumipad patungo sa isang beach. Oo kami, kasama ko si Arianne at Chad. Kailangan ko sila ngayon.
CZYTASZ
Who I am with you
Dla nastolatkówSi Valerie Ramirez ay nanggaling sa mayamang pamilya, ganun din si Sef Santiago. Sa una ay hindi sila magkasundo pero may namuo sa pagitan nila. Makakaya kaya nilang lagpasan ang pagsubok kung madaming hahadlang sa kanila?