Valerie's POV
"Yuri pwede ba tayo mag usap?" Mahinahong sabi ko na pilit pinipigil ang galit ko.
"Oh c'mon Val. Ano pang kailangan pag usapan? Ikaw naman ba ang magmamakaawa ngayon? pwes. di ka na niya babalikan! AKIN NA SIYA! AKIN NA SI SEF!"
Di ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya. "Akala ko kaibigan kita! Nagparaya ako para maging masaya ka! Ngayon pala sa umpisa pa lang plinano mo na to. Sinaktan mo noon si Sef tapos ngayon babalikan mo? AAGAWIN KO ANG DAPAT NA AKIN!" tuluyan na kong umalis.
*FLASHBACK*
Pupuntahan ko sana si Yuri sa Gym dahil ang huli niyang text ay nandun siya. Habang papasok ako may narinig akong nag uusap.
"Sef! Ano bang kailangan kong gawin para bumalik ka sakin?" sabi ni Yuri.
"Wala kang dapat gawin. Dahil kahit anong gawin mo si Val pa din ang mahal ko! Nakaraan ka na lang. Nakaraan na kahit kailan di ko babalikan!" galit na sabi ni Sef. Naluha naman ako sa mga sinabi niya.
"Huh?! Sa tingin mo babalikan ka pa niya? PINILI NIYA NGA AKO KESA SAYO DI BA? Ganun pa din si Val. Hindi ka niya kayang ipaglaban! Eh ako? Eto kaya na kita ipaglaban, maging sa parents ko."
"TIGILAN MO NA KO! HINDI NA KITA MAHAL!"
"At sinong mahal mo si Val? Ha! Hanggang ngayon mahina siya. Pakiusapan ko lang siya na kalimutan ka na niya. Gagawin niya!" Ganun ba ko kahina? Nagkamali lang ako. Akala ko kaibigan ko talaga si Yuri. Dahil sa inalala ko ang nararamdaman niya. Nasasktan ko ngayon si Sef.
Umalis na ko at tinext si Yuri na magkita kami.
*END OF FLASHBACK*
Naisip ko si Sef. Tinawagan ko si Chad.
"Hello? Chad? Alam mo ba kung nasan si Sef? Di kasi siya umattend sa last subject namin e."
"Ay nako. Ayun nambababae" Parang nadurog yun puso ko.
"Joke lang! Hahaha nandun sa tambayan sa likod ng school."
"Loko ka talaga! Sige. Salamat"
Agad kong pinuntahan si Sef. nakaupo siya sa damuhan habang nakasandal sa puno. Nakapikit siya kaya di niya alam na nasa tabi niyana ko. Tinitigan ko lang siya mabuti. At bigla ko siyang niyakap.
"Te---ka?" halatang nagulat siya. Nung nalaman niya na ako ang nakayakap , yumakap din siya.
"Sef, I'm sorry. Sorry kung nasaktan kita. Nagkamali ako. Hindi ko dapat pinili si Yuri kesa----" hindi pa ako tapos magsalita ng kiniss niya ako sa buhok ko at tinap yung likod ko.
"Ssshhh. Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Naiintindihan ko at iintindihan kita. Lagi akong nandito sayo, kahit na masaktan mo pa ko ng ilang beses. Hinding hindi kita susukuan Val. Mahal na mahal kita. "
"Mahal na mahal din kita Sef" Napangiti ako pagkasabi ko nun. Feeling ko ito na yung perfect time para samin after namin magsacrifice siguro ito na yung time para maging masaya naman kami.
"Ahmm. So ayos na tayo? Pwede na kita ulit ligawan?" Nakangiti niyang tanong.
"Hindi."
"Ha? Bakit akala ko ba mahal mo ko?" Nagtataka niyang sabi. Halata sa mata niya na natatakot siya sa isasagot ko.
"Oo nga. Naligawan mo na ko noon e. Tapos na tayo dun."
"Ha?"
"ANG SLOW MO! OO NA! SINASAGOT NA KITA!"
YOU ARE READING
Who I am with you
Teen FictionSi Valerie Ramirez ay nanggaling sa mayamang pamilya, ganun din si Sef Santiago. Sa una ay hindi sila magkasundo pero may namuo sa pagitan nila. Makakaya kaya nilang lagpasan ang pagsubok kung madaming hahadlang sa kanila?