15: Chapter Fifteen

68 7 0
                                    

Chapter 15

Aissa POV

Ang haba ng hair ko no? Akalain mo yun, dalawang lalaki yung nagyaya na kumain ng lunch kasama ako.

OWMAYGAAAAAASH!

Ang ganda koooo! Joke lang.

Yung kay Fivo, parang expected ko na yun e.

Alam kong namiss niya ako no? 2 weeks kaya siyang nawala.

Take note the pasalubong he gave me ha? Ang dame lang.

Naaalala niyo yung sa elevator? Lahat ng pinakita niya sa akin, para sakin pala lahat yun. Akala ko para sa buong office na namen e. Sobrang dame kasi.

Pero nung pagdating namen sa office, bumulong siya sakin.

“Ays, sa’yo lahat yan ha? Don’t you ever give anything to someone! Or else, I’ll punch you!”

Sabi ni Fivo. Mukhang seryoso siya. Kakatakot naman yung “Or else, I’ll punch you!” line niya.

Pero…

“Joke lang Ays! Basta wag ka mamimigay ha? Yung mga pasalubong ko sa kanila, nasa car ko. Bibigay ko na lang after lunch. Puro kasi sweets at souvenirs lang yun.” Sabi ni Fivo.

Kinabahan ako dun ah? Buti na lang joke lang pala.

“Ays, wait! Tulungan mo naman ako na gumawa ng mga notes. Para dun sa pagbibigay ko ng pasalubong sa kanila. Gusto ko sana ilagay na lang sa mga table nila yung mga pasalubong para surprise. I’ll leave a note na lang na sa akin galing yun. Okay lang ba yung naisip ko? Hehehe.” Sabi ni Fivo.

Sa mga ganitong bagay expert si Fivo. Sa mga surprises. Remember nung sa Botannica? Wow! Reminiscing!

Yun nga sa Botannica db on the spot lang yung preparations niya for that date. Halata ko naman pero deadma na lang kasi naappreciate ko yung effort niya to make that date memorable. Kinikikig ako pag naaalala ko yung moments namen dun sa Botannica. J

“Oo! Okay yung idea mo. You’re the best!” I agreed to Fivo’s idea.

Ayun nga, we left notes and the pasalubong on the tables of our officemates. Mukhang nasiyahan naman sila sa ginawa namen kaya as a thank you, naglagay din sila ng thank you note sa table ni Fivo right after work. Kaya pala medyo matagal sila bago lumabas kasi gumawa pa sila ng mga notes.

Kinabukasan, nakita na lang namen ni Fivo yung mga notes of different colors sa desk niya. Ang saya lang tignan. Tapos hindi inalis ni Fivo yun for the whole day. Mas naeenjoy niya raw yung ginagawa niya pag nakikita niya yung mga yun e. For almost 1 week niya ata hindi inalis yun dun. Si Fivo talaga.

Hmmm. Mapunta tayo kay Auren.

Si Auren? I’m not expecting him to ask me out on a lunch.

Bakit?

Kasi kakakilala lang namen at tska mas marami siyang ka-close dun sa mas malapit na other tables sa kanya. Puro nga girls e. I even heard some girls calling him Ren-ren. At gustong-gusto niya. Tse! Parang pet name lang. Chu chu chu, Ren-ren. Come here. I’ll feed you. Chu chu chu.

Why me?

Bakit ako?

(Salamat sa libreng translation)

Seryoso na nga.

Bakit nga kasi ako?

Wait…

Huwag niyong sabihin na naalala niya na ako? Tapos naramdaman niyang mahal niya na ako. Gusto niyang magsimula kame as friends then super friends then LOVERS? OWMAYGAAAAAAAASH! I’m not ready for this.

Uncertain ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon