Simula

27.7K 450 26
                                    

Simula

"Amaris," tawag ni Bri sa aking gilid.

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa kong assignment.

"Amaris!" muling tawag niya at ngayon ay may kasama pa na kalabit sa aking braso.

I groaned. Marahas ko siyang nilingon at agad sinamaan ng tingin.

Kanina pa talaga ako naiirita at sumasabay pa siya. Kung sana ay sinabi niya agad na may assignment, hindi sana ako natataranta dito!

Lagot talaga ako kapag hindi ko natapos 'to ngayon din.

"What is it? Can't you see that I'm busy!" singhal ko.

Ngumisi siya. Maingay ang mga kaibigan naming boys pero silang dalawa ni Heather ay kumikinang ang matang nakatunghay sa akin.

Kumunot ang noo ko sa dalawa.

Ngumisi si Briar at pagkatapos ay nginuso sa akin ang grupo ng mga lalaki na malapit sa amin. Nakilala ko agad kung sino ang mga 'yon, mga seniors.

Ang unang nahagip ng mata ko ay si Ruiji na nakatitig sa akin. Narinig ko agad ang hiyawan ng mga barkada niya at ang pagbanggit pa sa pangalan ko dahil sa pagsulyap na ginawa ko.

Ano naman ang pakialam ko sa mga 'yon? Umiling ako at muling binalikan ang assignment.

Ugh, such a waste of time!

"Kalat na sa buong school na crush ka ni Ruiji, what are you gonna do about it?" curious na tanong ni Bri.

Muli akong nag angat ng tingin at matalim siyang tinitigan. Alam ko na sinadya niyang laksan ang boses niya. Nasa cafeteria kami at sa kabila ng ingay ay natahimik ang paligid sa sinabi niya. Marami na talagang mata ang palaging nasa grupo namin at ngayon ay dinagdagan niya pa.

Ang kaninang maingay na mga kaibigan ay natahimik na rin ngayon, kahit ang grupo nila Ruiji. Napapikit ako nang mariin, ngayon tuloy ay lahat sila naghihintay na sa sagot ko.

Nakangisi si Maxwell at Atlas habang tinatapunan ng titig ang grupo nila Ruiji. Ang nakangiting si Archer na kanina pa nakatayo ay agad na tumabi kay Bri at naghihintay na rin.

Kumunot ang noo ko.

Bakit kaya masyadong interesado ang mga ito?

"Bakit ang tahimik niyo?" Bungad ng kadarating lang na si Gunner.

Napansin ko agad sa likod niya ang busangot na si Hunter, mukhang badtrip at masama agad ang tingin sa grupo nila Ruiji.

Nanatiling nakatayo si Gunner katabi nila Atlas. Samantalang si Hunter ay agad naman lumapit sa tabi ko at naupo. Tumaas ang kilay ko nang binalingan niya ako at sinamaan ng tingin.

Kumunot ang noo ko, what's your problem?

"Hinihintay namin ang sagot ni Ris kung gusto niya ba si Ruiji," sagot ni Maxwell sa tanong ni Gunner.

"Ano na? So you like him?" tumaas ang kilay ni Bri.

Inirapan ko siya.

"Stop putting words in my mouth, Briar. I don't like him," I said coldly.

Wala akong pakialam kung sino ang makarinig. Mas mabuti ng malinaw ito dahil ayoko na lumaki pa ang issue. Isa pa, naiirita na rin ako sa pagiging papansin ng grupo nila Ruiji.

This is enough to put them in place.

Muli akong bumalik sa ginagawa ko pagkatapos ko sabihin 'yon. Humagalpak ng tawa ang boys samantalang namayani naman ang pagkabigong sigaw ni Bri.

After This Night [ Isla Azul Series #3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon