Girlfriend
"Alam mo kung ano lang ang hindi nagbago sa loob ng seven years? Iyon ay ang inis ko kay Jollibee!" Briar hissed.
Nanatili ang tingin ko sa cellphone ni Bri. Hindi parin talaga sumusuko si Harriet na painitin ang ulo ko kahit ang layo niya na sa akin. I can't believe this girl, wala na ba talagang ibang lalaking makita Harriet?
She posted an open letter in her Instagram account. She's claiming to be Hunter's long time fiancee and she's calling me a cheater, kagaya daw ng Mommy ko.
Nanggigigil talaga ako pero hindi ko hahayaan ang sarili maging mababa katulad niya.
She came from a very influential family and yet she failed to be classy.
Ang tagal nang panahon ang lumipas pero nanatili parin ang pagiging immature niya. If she thinks I'll leave Hunter because of this, she's so wrong.
Pagkatapos ng lahat ng nalaman ko, I won't give up on him, ever.
Huminga ako nang malalim bago inabot kay Bri ang kanyang cellphone. Muling umingay ang pangalan ko dahil nakisakay na naman ang mga fans ni Lia at Grayson.
I think I'm the most hated person in the Philippines right now. Hindi ko na sinubukan basahin ang mga comments dahil ayoko magpa-apekto.
Humilig ako sa swivel chair at pumikit. Isang araw palang ang nakakalipas simula nung pinilit ko si Hunter umuwi ng Manila. Sobrang dami ko na kasi talagang dapat ayusin sa trabaho.
Bukod sa family business ay sumabay pa ang problema sa Moonlight. Naaapektuhan na rin ang negosyo ko sa lahat ng kontrobersyang kinabibilangan ko.
Stress din ako dahil sa tawag ni Daddy na hindi ko sinasagot dahil alam kong mahabang paliwanagan 'yon. I'm sure mapapagalitan ako.
Moonlight sales are decreasing also. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ang sakit isipin na masisira lahat ng pinaghirapan ko dahil lang dito.
Sana ay maayos na agad ni Grayson at matapos na ang issue...
"Dont worry, Amaris. Hindi naman lahat ng tao ay galit sa'yo." pagpapagaan ni Bri sa loob ko.
Bri immediately came to me nang malaman niya na nakauwi na kami. Dito daw muna sila ni Archer mananatili sa Manila for the mean time para alalayan ako kahit hindi naman kailangan.
"Pinagtatanggol ka naman ng mga real fans ni Grayson. Maraming pictures ang naglabasan na talagang magkaibigan lang kayo matagal na. Matatapos din ang issue."
I sighed.
Sana nga.
Dumilat ako dahil tumunog ang cellphone ko, nakita ko ang pangalan ni Hunter. As much as I want to hear his voice para kumalma, huwag na muna ngayon.
"Oh, bakit ayaw mo sagutin?" Usisa ni Bri.
Nagtaas siya ng kilay sa ginagawa ko.
"Don't tell me nagpadala ka sa sinabi ni Harriet and you're thinking of avoiding him again dahil ayaw mo maging katulad ng Mommy mo?" Bakas ang iritasyon sa boses niya.
Kumunot ang noo ko.
"Of course not."
"Kung ganon ay bakit ayaw mo sagutin?"
"Marami pa akong trabaho, he'll insist to see me pag sinagot ko."
Umirap si Bri.
Hindi kasi talaga ako makapag - isip ng maayos kapag nandyan si Hunter. It's like humihinto ang mundo ko at umiikot nalang sa kanya pag magkasama kami.
BINABASA MO ANG
After This Night [ Isla Azul Series #3 ]
RomanceIsla Azul Series #3 (COMPLETED) Everyone thought that Amaris life is perfect. Marangyang buhay, mabubuting magulang at kaibigan, atensyon ng lalaking pangarap ng karamihan... Nga lang ay lahat nagbago sa isang iglap. Isa - isang nawala ang lahat sa...