Kabanata 7

10.3K 324 10
                                    

No One

Is it really Hunter or is my mind just playing tricks on me?

I saw Gunner, may hawig sila pero kabisado ko ang mukha niya. Hindi ako pwedeng magkamali.

Hindi ako mapakali dahil kung tama na nagkakamali lang ako at si Gunner talaga ang nakita ko, malaki parin ang posibilidad na nandito nga talaga siya dahil nandito si Gunner.

Sana lang ay namalikmata lang talaga ako, I should stop reminiscing para naman hindi kung ano - ano ang nakikita ko.

"Hey, are you okay?" Nag - aalalang tanong ni Grayson sa gilid ko.

Napalunok ako.

Lasing na si Grayson, dapat siguro ay umuwi na kami dahil hindi parin mawala ang kaba ko. 

Damn, why am I nervous in the first place? Ano naman kung nandito nga, Amaris?

"Yes, lasing ka na. Umuwi na tayo."

Tumango siya. Mas kumalma na siya ngayon. Thank goodness he's back at his usual self.

Nilingon ko si Camie at sakto ay tumingin siya sa gawi namin. Pinalapit ko siya gamit ang kamay ko.

"Why? Don't tell me uuwi na agad tayo? Kakadating lang natin ha! Please lang!" reklamo niya agad paglapit.

"Your brother is drunk. Bahala ka, baka mamaya ay masangkot nanaman 'to sa gulo," Pananakot ko.

Kahit labag sa loob niya ay pumayag na siya. Let's just say that Grayson tends to get a little crazy everytime he's got alcohol in his system.

Pinagmasdan ko siya, dapat talaga dito ay hindi na pinapainom.

Hinayaan ko siyang magpaalam sa mga kaibigan, ganon din si Camie. Hindi na ako nakisali dahil hindi ko rin naman sila kilala.

"Kuya is so dumb. Bakit niya pa tayo pinapunta doon kung lasing na siya pagdating natin?" Reklamo ni Camie habang nagmamaneho.

"Saan natin 'yan iuuwi?" Tanong ko.

Tulog na kasi si Grayson sa backseat.

Ngumisi si Camie.

"Gusto mo iuwi? Para naman makalimutan mo na 'yung crush mo!" Tukso niya.

I gritted my teeth. Sinamaan ko siya ng tingin. Dapat lang na hindi ko sabihin sa kanya 'yung nakita ko sa bar dahil mas aasarin niya lang ako.

"Stop it, it's all in the past. Hindi ko na gusto 'yon at talagang kaibigan lang ang tingin ko sa Kuya mo."

She just shrugged.

I know it doesn't make sense, kung bakit sa tagal namin nagkasama ay hindi ko magustuhan si Grayson.

He's everything I want actually, kahit si Briar ay pinipilit ako na gustuhin siya. Siguro ako lang talaga 'yung may problema.

Grayson is undoubtedly handsome, isa siya sa pinaka makisig na nakilala ko kaya nga sa ibang bansa palang ay naging modelo na siya at nang umiwi sa Pilipinas ay ganap ng naging artista.

He's on top of his game. Hindi lang siya magaling sa pagmomodelo, magaling din siyang aktor.

Sa dami ng artistang nakakasalamuha niya sa araw - araw, minsan pati ako ay nagtataka kung bakit ako.

Alam ko na hindi naman ako nagkulang sa pagpapaalala sa kanya sa totoong estado ng nararamdaman ko pero kung minsan ay napapaisip ako kung tama ba na hinahayaan ko siya gawin ang gusto niya.

Baka kasi mamaya ay naghihintay parin siya at umaasa samantalang wala naman siyang makukuha sa'kin.

Humikab ako sa antok, hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang pagod.

After This Night [ Isla Azul Series #3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon