Kabanata 11

10.6K 349 12
                                    

Dance

"We'll go ahead, Ris," paalam ni Camie sa akin.

Nag - aalala ko siyang tinignan.

"Do you want me to go with the both of you?" Tanong ko.

Agad siyang umiling.

"No thanks, pauwi na rin sila Mommy bukas," Aniya.

Lumapit ako para yakapin ang kaibigan.

"I'm sure your Lola will be okay, Cams. I'll see you when I get back."

Tumango siya at bahagyang ngumiti.

Lumapit si Grayson sa amin, kakatapos niya lang makipag - usap sa susundo sa kanila ni Camie.

"Ris, take care of yourself here. We'll go now." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

Tumango ako sa kanya.

Isinugod kasi ang grandmother nila sa ospital kaya kinakailangan agad nilang umuwi ng Manila. According to their aunt, hindi maganda ang lagay nito.

Isang tawag sa aking cellphone ang nagpabalik sa akin sa realidad pagkatapos umalis ng dalawa.

"Where are you? Nandito na ako but I can't find you," Ani ni Daddy sa kabilang linya.

Iniwan ko kasi agad ang reception ng kasal ni Bri dahil sa emergency nila Camie. .

"Dad, nagka-emergency po kasi sila Camie. They left na. Pabalik na rin po ako," I said bago pintay ang tawag.

Inihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha bago titigan ang sarili sa salamin. I'm a mess. Kumuha ako ng wipes para tanggalin ang make - up.

Muli kong naalala ang nangyari kanina.

It's true, I met him again after seven long years at sa dinami-rami ng scenarios sa isipan ko, kahit isa ay hindi nangyari.

Nakaramdam ako ulit ng kirot sa puso ko. Sana pala ay hinanda ko rin ang sarili ko sa sakit na pwede ko maramdaman sa pagbabalik kong ito.

Someone called him after he said that he thought I forgot his name.

Paglingon niya sa tumawag ay hindi niya na ako muling tinignan at agad na siyang umalis.

I tried not to cry earlier but I failed. I feel abandoned, na para bang wala talaga akong halaga.

Mabuti nalang ay magulo ang isip ni Camie nang mahanap niya ako dahil hindi na siya nagtanong kung bakit ako umiiyak.

"You can do it, Amaris. After this night, hindi mo na siya ulit makikita. You can distract yourself again with work and you'll forget about this," pangaral ko sa sarili sa harap ng salamin.

Kinuha ko ang make - up bag ko at nagsimulang ayusan muli ang sarili. Tinakpan ko ng concealer ang namamaga kong mata sa kaiiyak kanina.

I put on a black eyeliner and a red lipstick. Itinali ko rin ang buhok ko into a messy bun.

I tried to smile, my look made me look stronger na dapat ay siyang nararamdaman ko rin.

I sighed heavily.

Pinagmasdan kong mabuti ang aking sarili sa salamin because damn well I know I'm pretty. Hindi ko dapat nararamdaman na wala akong halaga because I am definitely worth it.

Hindi ang nararamdaman ko o ang pakikitungo ng ibang tao ang magsasabi ng halaga ko.

Hindi ako bulag para hindi makita ang kagandahan na meron ako, hindi rin bingi para hindi marinig kung ilang beses nilang sinabi na malakas ang dating ko.

After This Night [ Isla Azul Series #3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon