Kabanata 17

11K 307 10
                                    

Sunog

Bilang lang sa aking mga daliri kung ilang beses ko nakausap si Leila Gualtierre.

Sa totoo lang ay kahit sa isipan ko ay nahihiya parin ako na tawagin siyang Tita, ganon ako kailang sa kanya.

It must be because she intimidates me the most. She has an air of exclusivity, na para bang kapag nagkamali ka ay hindi ka na niya magugustuhan kahit kailan o hindi ka nararapat sa kanya.

She looks so strict until now, pero nanatili ang maganda niyang mukha. Kung may nagbago man sa kanya, iyon ay ang mas nadagdagan lang ang pagiging elegante at intimidating niya.

Pagpasok palang namin sa restaurant ay binati na siya agad ng lahat ng tauhan. I'm sure mas marami na ang nakakakilala sa kanya at sa kanilang pamilya ngayon, hindi lang dito sa Isla Azul kundi sa mga karatig Isla dahil kahahalal lang kay Tito Joaquin bilang Gobernador.

Pinagmasdan ko siya habang iginagala niya ang tingin sa buong restaurant. She smiled bago ako binalingan.

"I like it, I'm sure it's your idea." Hindi iyon tanong pero tumango ako.

Ipinatong niya ang kamay sa table at pinagsiklop ito. Nanatili ang tingin niya.

"How are you?" tanong niya.

Kabado ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung dahil ba matagal na akong ganito sa kanya o dahil girlfriend ako ng anak niya.

I don't usually watch teleseryes but ito na ba 'yung scene na sasabihan niya akong layuan ang anak dahil nakapangako na ito sa iba?

Damn, kung saan saan nanaman napupunta ang isip ko!

"I'm good po, kayo po?"

"Mabuti kung ganon. Ayos naman ako, your Tito Joaquin is dying to see you again. We've been hearing a lot about you since you came back."

Nagulat ako doon. Gaano ba talaga katunog ang pangalan ko at kahit sa mga Gualtierre ay nakakarating ang balita?

"I'll be very honest with you, Amaris. Alam ko na gustong gusto ka ng anak ko. Kaya nga hindi ako nagulat nung mabalitaan ko na magkasama kayo sa Boracay dahil noon pa man ay alam ko nang patay na patay siya sa'yo."

Hindi ako makapagsalita dahil hindi tinatanggap ng utak ko ang mga rebelasyong ito. Never ko naisip na alam niya ito!

"But I've been hearing a lot of rumors about you, and to tell you honestly, I don't like it. So forgive me if I ask you frankly about this..."

Napalunok ako. Kumunot ang noo niya at bahagyang itinagilid ang kanyang ulo.

"Talaga ba na may relasyon kayo nung artistang 'yon?"

Agad akong umiling.

"Wala po, kaibigan ko lang po si Grayson. Nagkakilala kami dahil best friend ko po ang kapatid niya." 

Saglit na nanatili ang mapanuring tingin niya sa akin hanggang sa tumango siya sa paliwanag ko.

Hindi ko alam kung saan patungo ang usapan na ito pero hindi ko alam kung bakit gusto ko masagot ang lahat ng tanong niya.

Pakiramdam ko ay kailangan ko ipagtanggol ang sarili ko, pakiramdam ko ay oras na para mapatunayan kong mahal ko rin si Hunter at kaya ko siya ipaglaban.

"I believe you know about the deal we had years ago with the Gallegos..."

Tumango ako.

"They're still insisting na ipakasal ang dalawa. Anong masasabi mo tungkol don?"

After This Night [ Isla Azul Series #3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon