Engagement
Nahuli ko si Bri na nakatingin sa akin habang sinasagot ko ang text ni Hailey. Hindi siya umiwas at nanatili sa paninitig.
Napangiti ako dahil narealize ko na hindi siya nagbago. Honestly, natatakot ako. Alam ko kasi kung gaano kabilis magbago ang isang tao lalo na kung matagal na panahon na ang lumipas.
Some people who are bestfriends before ended up not having anything to say to each other, because they're not the same person anymore.
This is the reason why I'm so scared for us. Mabuti nalang hindi ganon ang kinalabasan namin.
Nasa back entrance kami ng hotel, hinihintay si Archer dahil siya ang susundo sa amin papunta kila Bri.
"You know what, mas gumanda ka ngayon. There's something different about you now na mas nagpalakas ng dating mo," She blurted.
Nagulat ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko at bahagyang napangiti.
Wala naman espesyal sa akin ngayong gabi. Normal lang naman ang damit ko at nag liptint lang ako.
"We saw each other last year, wala naman masyadong nagbago. Ang random mo!"
"I don't know." she shrugged. "Basta huwag ka magpapaganda sa wedding ko ha!" Paalala niya.
Natawa kami parehas.
Yup, nothing has changed between us.
"Umamin ka nga, may boyfriend ka na ano? Kung wala, paano mo napapaalis ang mga manliligaw mo lalo na't ligawin ka simula noon," She insisted.
I shook my head and laughed.
"Wala nga. Nung nasa states ako, people assumed that Grayson and I were a couple kaya tinigilan nila ko," Kwento ko.
Tumango si Bri.
"Just like before?" She smirked.
Hindi ko pinansin 'yon dahil alam ko ang sinasabi niya. Hindi niya parin binibitawan ang paniniwala niya na may gusto sa akin si Hunter noon, that he's the reason why hindi ako nililigawan ng mga may gusto sa akin.
It doesn't make sense though, lalo na't alam ko na sila na ni Harriet bago ako umalis.
Mabuti nalang at dumating na ang sasakyan ni Archer. I smiled as soon as he got out of his car. Habang papalapit siya sa amin ay pinagmasdan ko siya.
He looks more matured now, mas lumaki ang katawan at mas tumangkad. He's more handsome. Looking at him feels like looking at Hunter before. Mas naging kamukha niya ang kapatid dahil sa laki ng pinagbago ng kanyang itsura.
He kissed Briar's cheeks bago ako binalingan.
"Ris, ikaw na ba talaga 'yan? Andito ka na ulit?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
Natawa ako. Lumapit siya para yakapin ako.
Looking at Archer now made me realize that I can't stay mad at them. I'll probably feel the same way kapag nakaharap ko na ang mga kuya niya. Iba kami at labas kami sa naging problema ng mga magulang namin.
"I missed you Arch! Pasalamat ka ay binalikan mo 'tong pinsan ko kundi ako hahanap sa'yo," biro ko.
Ilang taon din kasi nawala si Archer dahil pumasok siya sa Armed Forces of the Philippines. It explains why ang dami niyang kayang gawin at hanapin.
Ayon sa kwento ni Bri, Cascade International wants him to work for them kaso ayaw na ni Archer. He said he'll help nalang sa business ng pamilya nila.
BINABASA MO ANG
After This Night [ Isla Azul Series #3 ]
RomanceIsla Azul Series #3 (COMPLETED) Everyone thought that Amaris life is perfect. Marangyang buhay, mabubuting magulang at kaibigan, atensyon ng lalaking pangarap ng karamihan... Nga lang ay lahat nagbago sa isang iglap. Isa - isang nawala ang lahat sa...