Kabanata 20

13.7K 384 63
                                    

A/N : This is the last chapter excluding Wakas. This is also the last installment of Isla Azul Series. Thank you for reading this. ✨

Reason

Kabado ako habang papasok sa isang restaurant kung saan namin napag - usapan na magkita.

I never thought there will come a time na gagawin ko ito. Sa loob ng pitong taon ay tinuruan ko ang puso maging matigas, lalong lalo na sa kanya.

She ruined every good thing for me, so she deserves my wrath. She deserves to be out of our lives.

Ang hindi ko alam ay kung paano kayang palambutin ng pag - ibig na galing sa iba ang puso ko.

There will come a time when you just want to release every hate and bitterness inside of you because your heart couldn't contain the love that you're getting.

Agad nangilid ang luha ko pagkakita ko kay Mommy.

Ngumiti siya sa akin at huminto sa harapan ko.

"Amaris, anak..." nakita ko kung paano pumula ang mata niya at agad nagpakawala ng luha.

"Can I hug you?" she sounds so desperate.

Tumayo ako at mabilis niya akong sinugod para yakapin. Pumikit ako, I can still feel the pain. I can still recall that night, but I know it doesn't matter anymore.

Hindi ang oras ang nakakapagpahilom ng sugat, hindi ang oras ang nakakapagpawala ng mga alaala, I realized that right love will heal past wounds.

Tinignan ko ang ina pagkalas ko sa yakap. Halos walang nagbago, she's still beautiful, elegante parin tignan at alagang - alaga ang sarili.

"Patawarin mo ko, Amaris." Nanginig ang boses niya. "You're right, sinira ko ang pamilya natin."

I swallowed hard. Naramdaman ko ang pagbabara sa lalamunan ko at ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Bakit mo ginawa 'yun, My?"

Hanggang ngayon kasi ay dala dala ko parin ang lahat ng tanong sa kung bakit niya nagawa 'yon. Hindi ba kami sapat? Hindi ba siya masaya sa amin? Hindi niya man lang ba ako naisip?

Mapait siyang ngumiti sa akin.

"I know it's not a valid reason, saka lang ako natauhan nang mahuli na ako ng Daddy mo."

Pinahid niya ang kanyang luha.

"Our marriage became dull, we lost our sparks. It became so boring to the point that I needed something exciting."

Yumuko siya at halatang hiyang - hiya sa sinasabi.

"It wasn't because of you, anak. Pero patawarin mo ko kung mas inisip ko ang sarili ko kaysa sa'yo..."

She sighed. Muling bumuhos ang luha ko at parang pinipiga ang puso ko sa sakit.

"Mabuti at nahuli ako ng Daddy mo dahil kung hindi, baka ipinagpatuloy ko lang ang panloloko sa inyong dalawa. You don't deserve someone like me."

Pinahid ko ang luha ko at inabot ang kamay niya.

With all these revelations, hindi pa rin nawala sa akin ang dahilan kung bakit ko ito ginawa.

"Mommy, pinapatawad na po kita..."

I never thought I can do that, laking pasalamat ko dahil paglabas ko ng restaurant pagkatapos namin mag - usap ni Mommy ay nakaabang na sa akin si Hunter.

Agad niya akong nilapitan at niyakap, hindi ko na napigilan ang sarili kundi humagulgol.

I feel at peace, finally.

After This Night [ Isla Azul Series #3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon