Reunion
"Cams, I need your help. I need a private jet," bungad ko pagkatawag kay Camie.
"Don't tell me you're still in Manila?" Camie chuckled.
Pinindot ko ang loud speaker para makausap siya ng maayos habang nag - iimpake.
"Yes, bigla kasi nagka-problema sa isang Prestige branch kaya inayos ko muna," kwento ko.
"Alright. I'll arrange it for you. Just go to Manila Pen, papasundo kita. You'll probably land in Henann..."
Thank goodness for Camie's connection.
Lumapag ang private jet na sinasakyan ko sa helipad ng Henann Prime kinagabihan. The ride lasted for an hour, good thing it was smooth.
"Where are you? Hindi ba't usapan natin isang linggo bago ang kasal?" mariing tanong ni Briar pagtawag niya sa akin as soon as I entered my hotel room.
I sighed. Tumango ako sa bell boy ng hotel habang inaayos niya ang gamit ko. It's almost midnight and I'm so exhausted.
"Sorry, I have to finish my work. Don't worry, I'm already here."
Narinig ko ang singhap niya.
"What? Nasan ka kung ganon?"
"I'm so tired Bri, let's just talk tomorrow. Basta nandito na ko so stop stressing yourself."
Mabuti at hinayaan ako ni Bri.
My body is already begging for a massage because I've been so busy these past few days.
Kinailangan ko kasi muling pasadahan lahat ng gagawin because I got Daddy's approval to do everything I want. Ngayon, nagsisimula na silang i-renovate ang ilang branch sa Manila.
Nagkaron pa ng konting problema sa isang Prestige branch so I have to settle it before I go here.
Pagkatapos ko mag shower ay ready na ang ni-request ko na magmamasahe. That's why I feel so rested when I woke up the next morning.
Wearing a white floral romper, tinali ko ang buhok ko habang pinagmamasdan ang malawak at kulay asul na dagat ng Isla Azul.
Napangiti ako, naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang akala ko ay magiging mabigat sa pakiramdam ang pagbabalik ko, pero nagkamali ako.
I missed it, I miss my hometown.
Somehow, I felt at home.
"Don't tell me you're staying at Henann Prime?" Tanong ni Briar sa kabilang linya.
Kasalukuyan akong nag - aalmusal ng muli siyang tumawag. Thank goodness hindi na sobrang aga ng tawag niya ngayon.
Kumunot ang noo ko, paano niya nalaman 'yon?
"Ugh, you're right pero paano mo nalaman?" I asked.
Narinig ko ang iritado niyang singhap.
"Nandito ko sa mansion nyo! Wala naman tao!" She hissed.
Natawa ako.
"Sino ba kasi ang may sabi sa'yo na diyan ako titira? Matagal ng hindi naaayos 'yan at ayoko na mang - abala ng mga katiwala. I'm good here," paliwanag ko.
"Lumipat ka nalang sa hotel nila Arch, mas malapit 'yon di hamak sa bahay," suggest niya.
No freaking way!
"Don't mention it, okay na ako dito. Mas malapit din ito sa restaurant namin, sakto dahil aayusin ko 'yon."
"What are you talking about? Don't tell me isisingit mo ang trabaho sa isang linggong hiningi ko?" she accused.
BINABASA MO ANG
After This Night [ Isla Azul Series #3 ]
RomanceIsla Azul Series #3 (COMPLETED) Everyone thought that Amaris life is perfect. Marangyang buhay, mabubuting magulang at kaibigan, atensyon ng lalaking pangarap ng karamihan... Nga lang ay lahat nagbago sa isang iglap. Isa - isang nawala ang lahat sa...