Gift
"Stay here," saway sa akin ni Mommy.
I fight the urge to roll my eyes. Binalingan ko ang table ng mga kaibigan ko at nakitang lahat sila ay napailing sa nangyari.
Ayaw kasi akong paalisin ni Mommy dahil ang gusto niya ay kumpleto kaming haharap sa mga Gualtierre na kasalukuyang pinupuntahan ang table ng bawat bisita.
"Sino ba ang mga 'yon? Ang tagal ha!" Reklamo ni Mommy kay Daddy.
Sa totoo lang, kahit naiirita na ako sa obsession nila sa mga Gualtierre, mas gugustuhin ko na ito nalang ang pinagkaka-abalahan nila kaysa ang mag - away.
These past few weeks kasi ay napapadalas ang pag - aaway nila, mainly because my Mom is always out of town.
"It's the Gallegos of Costa Del Sol. Sila siguro 'yung nabanggit sa akin ni Joaquin na espesyal na bisita," Sagot ni Daddy.
Tumaas ang kilay ni Mommy, I bet she's thinking "may mas special pa ba sa akin?"
"Hindi ba't iyon ang isa sa pinaka makapangyarihang angkan sa Costa?"
Tumango si Daddy.
Nanatili ang tingin ko sa pinag - uusapan nila kaya hindi sinasadyang mahagip ng mata ko si Hunter na nakikipag-tawanan sa babaeng Gallego.
Sumimangot ako, it's his birthday pero masyado siyang focus sa isang bisita?
"Mommy?" tawag ko.
"Hmm?" Sagot niya pero nanatili pa rin ang tingin sa mga Gallego at Gualtierre.
"Comfort room lang po ako, babalik ako agad."
Sinamantala ko ang pagiging busy niya kaya mabilis akong kumilos para maka-alis.
Nasa kabilang dulo ang table nila Bri kaya wala akong choice kundi dumaan sa gitna dahil 'yun ang pinakamadaling daan.
"Ang tagal mo!" Salubong sa akin ni Briar.
Tumango ako sa mga kaibigan namin bago siya balingan.
Kumunot ang noo ko nang makitang medyo mapula ang mukha at leeg niya. Umupo ako sa tabi niya at agad ko naamoy ang alak.
"You're drinking?!" I hissed.
Ngumisi siya.
"We're all drinking, shh..." Humagikgik siya.
Napailing ako.
"Take it easy guys, lasing na agad si Bri," Pangaral ko.
"I'm not drunk, I'm just tipsy!" Nagkibit siya ng balikat.
"Here, take some." Inabot niya sa akin ang baso pero agad kong hinawi ang kamay niya.
"We got her Ris, she'll be okay." Heather winked at me.
I sighed, sinasabi ko na nga ba na puro kalokohan ang mga gusto nilang gawin dito.
BINABASA MO ANG
After This Night [ Isla Azul Series #3 ]
RomanceIsla Azul Series #3 (COMPLETED) Everyone thought that Amaris life is perfect. Marangyang buhay, mabubuting magulang at kaibigan, atensyon ng lalaking pangarap ng karamihan... Nga lang ay lahat nagbago sa isang iglap. Isa - isang nawala ang lahat sa...