Kabanata 12

10.6K 295 2
                                    

Proposal

"Ma'am, there's someone waiting for you in your office. Kaibigan mo daw," paalala sa akin ni Luna, ang sekretarya ko.

Pinatunog ko ang sasakyan ko to make sure it's lock at pagkatapos ay naglakad na papasok ng Moonlight.

The aroma of a freshly brewed coffee filled my nostrils. Madami na ang customers for our breakfast menu.

Binati ako ng mga empleyado ko. Moonlight Cafe, not the prestige one - is designed with an industrial touch slash modern-day architecture.

Ang opisina ko naman sa bandang dulo ay gawa sa salamin ang walls dahilan kung bakit malayo palang ako ay tanaw ko na si Gunner na naka - upo sa couch sa loob ng opisina ko.

Agad kumunot ang noo ko. Dalawang araw palang ang nakakalipas mula nung kasal ni Bri, sa totoo lang ay wala akong maisip na dahilan para pumunta siya rito.

As soon as I open my office door, agad tumayo si Gunner para salubungin ako.

"Ris!" Bati niya.

Ngumiti ako pagkatapos ay tinanggap ang beso niya.

"What brings you here?" I asked.

Nakita ko na may kape na sa table sa kanyang harapan. I motioned him to sit. Umupo na rin ako sa couch katapat ng inuupuan niya.

"Bigla ka nawala nung reception? Umuwi ka na agad?" He asked.

I swallowed before nodding my head.

After my confrontation with Hunter, I excused myself para pumunta sana sa comfort room. Kaso nga lang ay sobrang taas at tindi ng emosyon ko dahilan kung bakit pinili ko nalang umalis sa reception.

Bumalik ako sa hotel at nag desisyon na umuwi ng Manila. I explained everything naman to Briar and my Dad through text na may emergency sa opisina at mabuti ay naintindihan nila.

Mabilis din akong bumalik sa trabaho pag - uwi ko, I didn't gave myself a chance to think about it dahil kapag ginawa ko 'yon, iikot lang ang mundo ko sa kaka-isip sa nangyari.

Hindi ko rin alam pero natatakot akong makita ulit o maka - usap si Hunter. I feel so ashamed after everything I heard from him.

Hindi rin nakakatulong ang pag - asang ibinigay sa akin ng mga salita niya. Baka kasi makalimutan ko na may Harriet sa paligid.

"I have a situation here kaya kinailangan ko umuwi agad," I lied.

Tumango si Gunner. Iginala niya ang tingin sa buong opisina pagkatapos ay muli akong tinignan.

He smiled pagkatapos ay pinagsaklop ang mga daliri niya at ipinatong ang kanyang braso sa kanyang tuhod.

"Actually, the reason why I'm here is because I have a business proposal for you," Aniya.

Tumaas ang kilay ko. Tinignan ko ang oras sa relo ko just to make sure that we have enough time. Special treatment kasi ang isang 'to at hindi manlang nag pa-appointment.

"Alright, I'll hear it but you only have thirty minutes to present. I have a meeting after..."

His jaw clenched before nodding.

Hinayaan ko si Gunner magsalita, I gave him my full attention. I'm also impressed because tuwing nagtatanong ako ay nasasagot niya. It's as if matagal niya na pinaghandaan ito.

"So what can you say?" Tanong niya pagkatapos mag - present.

He looks expectant.

I shrugged before giving him my smile. Tumayo ako para tapikin siya sa kanyang balikat.

After This Night [ Isla Azul Series #3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon