Kabanata 5

10.6K 328 10
                                    

Moonlight 

"Finally!" Bungad sa akin ni Daddy pagdating ko.

Nakita ko kung paano nawala ang pag - aalala niya nang makitang naka - ayos na ako.

I should really stop doing this to him.

"Let's go," Aniya agad at tumayo na sa sofa.

"Roy, sumunod ka nalang." Tumango ang driver ko sa utos niya.

"You're late ha," paalala niya sa kamaliang nagawa ko.

Lumabas na kami ng mansion. Ngumiti ako pagkatapos ay hinawakan na ang kamay niya. I'm sure konting lambing lang ay patatawarin niya agad ako.

"I have a lot of work to do, besides you know I don't like attending this kind of social gatherings," reklamo ko.

He sighed, pagkatapos ay inalalayan niya na ako papasok sa sasakyan.

"Well from now on, you're required to attend these parties. Lalo na't baka nakakalimutan mo ang utos ko sa iyo," Paalala niya.

I chuckled.

He's right, hinahamon niya nga pala akong higitan ang kinalalagyan ng business namin ngayon. Hindi daw ako magiging magaling sa kanya unless ay magawa ko 'yon.

"Dad, I don't need to see our competitors personally to know how to run a business," I insisted.

Because it's true. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pumunta sa mga ganitong klaseng party just to observe your business competitors. It's mostly about bragging.

Umiling siya sa sinabi ko. Hindi talaga mababali ang mga prinsipyo niya sa buhay.

"Kamusta ang negosyo mo?" Tanong niya pagkatapos ng ilang saglit. Nagsimula nang umandar ang sasakyan papunta sa hotel na gaganapan ng party.

I smirked.

This old man is such a fake, akala niya ata ay hindi ko nababalitaan ang pagyayabang niya sa mga kaibigan tungkol sa Moonlight.

"Don't fool me Dad, alam ko na mas updated ka pa kaysa sa akin," Biro ko.

He laughed.

"You're right. It's my hobby to brag about you these days. Gusto ka nga makilala ng mga kumpadre ko," Aniya.

"For what? Para ipakilala ako sa mga anak nila na hindi marunong maghawak ng negosyo? Come on Dad, I'll let you choose my husband but please don't give me another business to run."

Lalo siyang natawa.

Sa Hotel ng mga Adriano ginawa ang party.Hindi ako masyadong namangha sa interior design ng hotel habang papasok kami. Siguro dahil nasanay ako sa ibang bansa kaya naging masyadong ordinaryo na sa akin ang mga ganitong klaseng disenyo.

It's probably another reason why they are on the fifth spot of the most luxurious hotels in PH according to some magazines.

Kasalukuyang nagsasalita na ang mag - asawang Adriano pagdating namin. I can feel Daddy's accusing stare dahil sa kumpirmasyon na late na nga kami.

He's just over reacting though, nagpapasalamat lang naman ang dalawa sa mga dumalo. It's not important!

Iginala ko ang mata ko sa paligid pagka-upo ko sa table na nakalaan for us.Naabutan ko tuloy ang karamihan na nakatingin sa amin. Some of them smiled at me, as if they're really waiting for me to notice them.

Nag - iwas ako ng tingin at hindi napigilang tumaas ang kilay.

We've really come a long way huh?

After This Night [ Isla Azul Series #3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon