Transferee
"I hate her!" Bulong sa akin ni Bri.
Nanatili naman akong tahimik sa tabi niya.
"I thought classy ang mga Gallego, anong nangyari sa kanya?"
Nilingon ko na ang pinsan, I think it's too much.
"Bri stop it, you're overreacting."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Hindi mo ba nakikita? She wants all the attention! Ang feeling niya ay sa kanya umiikot ang mundo!" Tumaas ang boses niya dahilan kung bakit napalingon sila Max sa banda namin na kasalukuyang kausap ni Harriet.
"Let's go!" Hinila ko na si Bri palayo sa tambayan.
"Huwag nalang tayo sumabay sa kanila para di ka mainis, okay na ba 'yon?" Tanong ko.
Umirap lang siya.
Isang linggo na simula nang magpasukan at laking gulat namin na may bago kaming kaklase, namely Harriet Gallego.
I remember her dahil siya 'yung katawanan ni Hunter nung birthday party niya. Since mukang close ang pamilya niya sa mga Gualtierre, automatic ay sa amin na siya sumabay.
Nga lang, naiirita talaga sa kanya si Bri.
Ayoko naman maging mababaw kaya hangga't maaari ay hindi ko nalang pinapansin ang pagiging maarte at rude ni Harriet.
"Alam mo ba kung anong sabi niya last time? Na fake daw ang bag ko!" Ani ni Bri. "Well, even if it's true or not, hindi niya na dapat sinabi 'yon! It's freaking rude!" She hissed.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa ginawa niya sa pinsan. Ayoko naman i-invalidate ng inis ni Bri dahil kilala ko rin ang isang 'to, baka ako pa ang awayin.
"Hayaan mo na, intindihin mo nalang," Payo ko.
Nanlaki ang mata niya at agad umiling.
"No freaking way! Last na 'yon, isa pa at makakatikim na sa'kin ang bida-bidang 'yon!"
I laughed. Nagpatuloy pa si Bri sa litanya niya habang bumibili kami ng pagkain. Hindi naman masyadong masikip dito sa cafeteria.
Madami kasing students na mas prefer kumain sa labas kaysa dito.
"Dito tayo ngayon pero dapat mamayang break ay sumabay na tayo, baka magtaka sila."
Umirap si Bri.
"I don't think so, mukang masayang masaya nga sila na makinig sa mga kaartehan ni Jollibee, lalong lalo na si Archer!"
Kumunot ang noo ko
"Bakit pati si Jollibee ay dinadamay mo?" Kinuha ko ang pagkain namin at binitbit na.
Kumaway si Heather sa table sa bandang dulo.
"Uy, si Heather oh!" Turo ko.
"Oo, tinext ko na dito na tumuloy."
Tumango ako. Galing kasi si Heather sa detention dahil may nakaaway sa kabilang section.
Ang babait kasi talaga ng mga kaibigan ko.
"Going back, I'm calling her Jollibee from now on..."
Natawa si Heather pag upo namin.
"Jollibee? Si Harriet ba 'yan?" Tanong niya.
Nag apir sila ni Bri at sabay tumawa.
"Why Jollibee?"
BINABASA MO ANG
After This Night [ Isla Azul Series #3 ]
RomanceIsla Azul Series #3 (COMPLETED) Everyone thought that Amaris life is perfect. Marangyang buhay, mabubuting magulang at kaibigan, atensyon ng lalaking pangarap ng karamihan... Nga lang ay lahat nagbago sa isang iglap. Isa - isang nawala ang lahat sa...