Vivoree's POV
"Uy guys samahan nyu naman ako sa bahay mamaya oh? Kahit isa lang sa inyo,wala kasi akong kasama don eh.May pupuntahan kasi si mama at papa.At isa pa hindi rin ako makakasama kasi may pasok pa tayo."- pakiusap ko sa mga bestfriends ko na sina Heaven,Maris,Sammie at Miles.
"Ako V kahit gustohin ko ,alam mong hindi ako pwedi.Hindi talaga ako papayagan ni Mommy mag sleep over kahit pa bestfriends ko kayo."-paliwanag ni Miles.
"Mas lalong hindi ako pwedi,monthsary kasi namin ni Markus ngayon eh.Minsan lang kami magcelebrate kaya naman magcecelebrate kami mamaya.Sorry talaga Viv ah?"-Sabi naman ni Heaven.
"Kami hindi rin makakasama sayo Viv,may family dinner kasi kami eh.Sorry talaga Viv ha?"-Maris
"Pero promise sa susunod babawi kami sayo."-nakangiti namang sabi ni Sammie.Magpinsan kasi sila ni Maris.
"Hayst ok guys naiintidihan ko."-Ako
"Hi mga beshys!!! Mwah mwah mwah."-bati ni Ck samin nung dumating siya at isa-isa kaming hinalikan.Ang bangooo.Nako kung hindi lang talaga bakla to? Ako na mismo ang manliligaw dito.Ang gwapo kasi eh,chaka ang puti puti ,at ang cute pa ngumiti lumalabas yung dimple niya.Actually kami lang ang nakakaalam na bakla siya.Kasi sabi niya, kami daw yung pinili niyang sabihan kasi puro daw kami babae at sigurado siyang maiintidihan siya namin.Kaya naman kahit hindi talaga kami close nun.Sinabi niya samin yung sekreto niya.Well hindi naman siya yung tipical na bakla na nakikita niyong nagdadamit babae.Parang lalaki parin siyang mag damit,secret nga diba? Alangan naman magmomodelling siya diyan,edi tipok siya don.😂Saka hindi naman siya parang bakla gumalaw,yung usual niya lang .Kaya naman hindi mo talaga siya mapagkakamalang bakla.Marami ngang nagkaka crush sa kaniya eh.Isa na ako don...kaya sshhh😑😅
Hanggang ngayon hindi parin alam ng tropa niya na bading siya,baka daw kasi asarin siya at ipagkalat pa sa boong campus.Pati na rin sa family niya,kaya nga naaawa kami sa kaniya dahil sa sitwasyon niyang yun.
"Si Ck nalang kaya ang isama mo Viv?" Sabi ni Heaven.at sumang-ayon naman yung iba.Alam nilang may gusto ako kay Ck kahit na umamin na siya samin na bakla siya.Tumingin naman ako sa kaniya.
"Pwedi ka ba mamaya?"-ako
"Uhm oo naman...always free ako.Bakit besh san tayo pupunta?"-ck
"Magsesleep over ka sa kanila.Wala kasi mga parents niya don."-Miles
"Aah ganon ba? Sege sasamahan kita"-Ck
"Talaga!? Yes thankyou Kieeeee.Your the best talaga!!"sabi ko sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.Tumawa lang siya nun pati narin ang iba.
"Welcome always V....basta para sayo" sabi niya at kinindatan pa ako.
"Nako..wag mo akong ganyanin Kieron ah? Maypakindat ka pang nalalaman diyan."
"Bakit? Hindi ba pwede? Kinikilig ka din naman eh..." Pang-asar niya sakin.Naku kung hindi lang talaga bakla to?
"Alam niyo guys? Bagay kayo...sayang babakla-bakla pa kasi tong si Ck eh."-Maris
"Oo nga Supportado sana kami sa inyo"-Miles
"Yeah truths"-Sammie
"Hahaha wag niyo nga akong etchosin.Chaka kahit naman straight tong si Ck,sigurado ako na hindi to magkakagusto sakin no?"-Ako
"Hay nako Viv,hindi natin masisiguro yan no? Malay mo ngayon may gusto siya sayo'.Pero kung lalakeng lalake nga tong si Ck at kung ligawan ka niya,may pag-asa ba Viv? Malay niyo diba?"-Heaven
Tumango tango lang sila nun.
"Aish! Teka teka,bakit ba pinupush niyo ang topic nato?"-ako
"Oo nga mga beshy? Stop that topic na,dahil hindi naman mangyayari yun eh dahil wala namang gusto si V sakin..."-Ck
