V I V O R E E
"Hi V!! Nakakain kana ba?"-agad na tanong saakin ni CK ng makita niya akong palabas ng classroom namin. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad at hindi na siya pinansin.
" Kung wala pa sabay nalang tayo."-dagdag pa niya at naglakad sa tabi ko. "Saan mo ba gusto?"
"Wala akong ganang kumain CK."-walang ganang saad ko. Kita ko ang pagbagsak ng mga balikat niya pero bigla naman itong napangiti ng napakalapad.
"Kung ganun, samahan mo nalang ako!"-napabuntong hininga ako at hinayaan nalang siyang hilahin ako papuntang cafeteria.
At asusual, puro bunganga niya lang ang naririnig ko dahil sa dami ng mga kinikwento niya. Tango at iling lang naman ang nasasagot ko sa kaniya.
Saka sa araw-araw niya akong kinukulit ay nasanay narin ako sa kakulitan at kadaldalan niyang taglay.
" Ah nga pala, sabe ni Mama gusto ka daw niyang imbitahin sa birthday niya nitong sabado. Kung ok lang naman sayo."-tanong niya sakin na ikinakibit balikat ko lang.
"Susubokan ko."-simpleng sagot ko at inilibot ang paningin sa napakalapad na cafeteria namin. Sobrang dami ng mga estudyante dito ngayon dahil breaktime. Pero kahit gaano karaming estudyante payan ay hindi ko parin maiwasang makita siya sa karamihan.
Sobrang laki na ng pinagbago niya. Kung dati ay inaapi lang siya ngayon naman ay parang siya pa ang nang-aapi ngayon.
Pero siya parin ang taong minahal ko. Siya parin ang lalakeng unang nakapagpatibok ng puso kong ito.
" Wag ka nang umiyak..."-napatigil na ako sa mga iniisip ko ng maramdaman kong pinahidan ni CK ang pisngi ko gamit ang kaniyang hinlalaki. Napatingin ako sa kaniya at nakita itong seryosong nakatingin sa akin. "Kahit sobrang ganda mo pa kapag umiyak, ayoko paring nakikita kang umiiyak, V..."-dagdag pa niya at binigyan ako ng ngiting siguradong kahit sinong babae ay matutunaw na.
Makalipas ang ilang araw, lingo, buwan..ay ganun parin ang trato sa akin ni CK kahit na minsan ay pinagtatabuyan ko na siya kapag masiyado na siyang makulit at kapag gusto kong mapagisa.
Hatid sundo niya ako sa bahay. At palagi niya rin akong nililibre kahit na ayaw kong kumain. Hindi siya nagsasawang gawin ang lahat para lang sa akin, at para lang mapagaan ang loob ko.
Hanggang sa, nagkita kami ng nakaraan ko, ulit.
" Pwede ba tayong mag-usap?"-yun lang ang sinabe niya at nalaman ko nalang isang araw na magkaayos na ulit kame.
"Salamat ha?"-rinig kong sabe ni Markus sa akin. Nandito kame ngayon sa bahay nila at nakaupo sa sofa habang nanonood ng movie. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.
" Para saan?"
"Sa pagbigay sakin ng chance. Alam kong...sobrang mali yung desisyon ko at--"
"Markus, tapos nayun. Ang importante lang sa ngayon ay magkaayos na tayo. Diba?"-napangiti siya sa sinabe ko kaya binigyan ko naman siya ng yakap.
~∆~
Tamad kong binuksan ang locker ko at nilagay ang mga librong hindi ko na kakailanganin sa next subject ko. Nangsinara ko na ang locker ay agad ko naman nakita si CK na nakatingin sa akin na agad din namang napaiwas ng tingin at sinarado narin ang locker niya saka na umalis.
