Island of Desire - Chapter Two

16.9K 212 1
                                    

"ISLAND of DESIRE"

By : "Ms. Alejos"

C H A P T E R -#02

MASAYANG lumabas nang gaybar si Jeffrey ala-una palang nang madaling araw kaya makakatulog sya nang maayos at maagang gigising para muling makapag review. Sasakay sya nang taxi para mas mabilis ang kanyang byahe at sulit ang pahinga nya nang sa ganoon ay aani sya nang magandang marka. Pasakay na sya nang taxi nang makita nya ang kaninang kanyang costumer, sagad ang ngiti nitu sa labi. Napaisip sya bakit ganoon ang mga bakla, kahit konteng aliw lang ang ibigay mo handa ang mga eto magbigay sa'yo nang napakalaking halaga. Kung minsan naawa din sya sa mga eto kaya lang di naman sya papayag nang haplos-haplosin at pisil-pisilin ang kanyang sandata nang libre ano..

Habang nasa loob nang taxi lumilipad naman ang kanyang utak, sabik sya sa mga magaganap sa kanyang buhay sa hinaharap, ang makitang nakasuot na sya nang kanyang toga, at magkaroon nang sariling opisina ang naksuot na nang kurbata at may maipagmamalaki na sa buhay. At ang magkaroon sa huli nang sariling pamilya na at ang pangako sa sarili na sisikapin nyang imulat ang kanyang mga anak sa tamang landas hindi sa kagaya nyang kinalakhang pamilya. Punong-puno nang pangarap ang kanyang isip kaya naman di nya namanlayan na nasa tapat na sya nang address na binigay nya sa taxi driver.

"Iho !! eto na tayo sa address na binigay mo, para kang nagangarap pa nang gising dyan ah.." nakangiting wika nang driver na kinakawayan pa sya nang palad nitu para mapansin. Natawa din tuloy si Jeffrey nang makita na nasa tapat na pala sya nang kanyang mabahong lugar.

"Manong salamat ho.. Sige ho ingat kayo.." Wika ni Jeffrey nang makita ang kanyang babayaran sa metro nitu.

Pagpasok nya nang kanilang bahay, nakita nya ang mga adamit na nakakalat sa sala, tila mga pinaghunusan nanaman nang mga ahas, sabay naririnig nya ang mga unggol at halinghing nang dalawang tao na nasa banyo. Umiling-iling nalang sya sa nakikitang pagyanig pa nang pintuan doon. Malamang ang kanyang kapatid na panganay iyon may uwi nanamang costumer. Hindi na nya iyon pinansi at nagtuloy na sya sa kanyang silid para makapagpahinga. Tiningnan nya ang kanyang maliit na orasan at nag-alarm sya para magising nang maaga, nang sa ganoon mapasadahan nya muli ang kanyang mga reviewer.. Nakahiga na sya  sa maliit nyang kama nang  ang ding-ding naman ang tila yumuyog-yog.. Nasa kabila nang kanyang silid ang silid naman nang mga magulang. Mukang nasa langit nanaman ang mga eto. Ang maganda sa mga magulang nya ay punong-puno naman eto nang lambingan nasobrahan nga lang dahil  di ata nagsasawa ang mga eto sa tawag nang kanilang mga laman, kung may pag-aawayan man ang mga magulang nya marahil ay sa usaping pagtatalik lamang. Kinuha nya ang isa pang unan at itinakip nya iyon sa kanyang tenga, at sa awa nang Dyos marahil natapos na ang dilobyo sa kabilang kwarto tumahimik na din ang mga eto, sya namang nakatulog na si Jeffrey.

____________________________________________

Alas-siete pa nang umaga ang kanyang pasok ngunit, gising na sya pagsapit nang alas-singko, maigi ang kanyang pag-aaral. nagtimpla sya nang kape at kaharap ang kape at biscuet at kasama ang kanyang mga aklat matama syang nagbabasa habang hinihigop naman ang mainit na kape. Kung maaga syang nagising mas maaga nagising ang kanyang ate, hinatid ata nitu sa kanto ang kasamang costumer nang nagdaang gabi..

"Oh, ang aga mong nagising ah.. Mukang nagsusunog ka nanaman nang kilay kapatid,, kung ako sa'yo gamitin mo nalang ang gandang lalaki mo sa ibang bagay, wala kang mapapala sa mga libro at diploma!! " tiningnan lang ni Jeffrey eto di na sakanya bago yon halos lahat naman sila maging ang mga magulang ay ganoon din ang sinasabi sakanya, ngunit iba ang kanyang paniniwala, sa pamamagitan nang diploma makakaahon sya sa putikan.

pagsapit nang ala-sais nang umaga, gumayak naman sya para maligo. Tapos na syang magbasa at magreview. kailangan naman nyang maging presko para sa pagpasok sa eskwelahan. Malapad ang kanyang ngiti at kompyansa syang maipapasa ang pagsusulit na gagawin. Isa syang simpleng studyante ngunit mataas ang kanyang katungkulan sa unibersidad kung saan sya pumapasok. Sya ang Presidente ng School body Organization sa kabuuan nang unibersidad kaya naman walang hindi nakakakilala sa kanya sa loob nang paaralan.

ISLAND OF DESIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon