ISLAND of DESIRE C H A P T E R - #22

8.9K 174 3
                                    

C H A P T E R - #22 

KINABUKASAN araw nang Lunes, maagang umalis nang bahay si Kaycee. Sinadya nyang mauna sa kanyang Papa, hindi para pumasok sa opisina dadaan sya sa opisina ni John Leynard, kailangan nya nang kasagutan nang lahat sa ngayon. Simula kase nang makabalik ang ama nya sa kompanya, ang JLSO COMPANY naman ang inasikaso ni John Leynard kung saan nagkaroon na eto nang sangay sa bansang Pilipinas, naging sister company na nitu ang Briones Group, pareho sila nang negosyo, ang kinaganda nang kompanyang eto karamihan nang design nang building, bahay, town houses ay sariling gawa nang JLSO COMPANY. Hindi na nila kailangang umangkat pa nang panibagong kompanya nang mga arketekto para dito, dahil ang isang sangay nang JLSO COMPANY ay puro Arketektural. 

Binaybay ni Kaycee ang daan patungong opisina nitu.. Dahil maaga pa sya, at alam nyang wala pa doon ang kanyang pakay, nagtyaga nalang syang maghintay muna sa labas nang opisina nitu.. She can't wait na marinig ang katotohanan mula mismo sa bibig ni John Leynard..

"Ma'am you can wait for Mr. Oxx inside his office. Wala naman hong problema dahil kilala naman nya kayo.." wika ni Nancy na syang secretarya ni John Leynard.. 

"Ganoon ba? Sige salamat sa loob ko nalang sya hihintayin.. " sagot naman ni Kaycee at pumasok na sya sa loob nang opisina nang lalaki.. 

Noon lang sya nakapasok nang sariling opisina ni John Leynard kaya naman humanga sya sa loob nito, lahat nang nang details nang opisina ay malinis kung paano binago ni John Leynard ang Briones Building nakita nya na mas magarbo at desente ang opisina nitu,.. Malaki ang opisina nang lalaki nakita nyang may pintuan pa muli na papasukan tiningnan nya iyon at binuksan natawa sya sa nakita nya isang katamtamang kwarto na may isang kama pang isang tao at maliit na ref. Sa loob, inikot nang kanyang mata ang kabuuan nang silid, may maliit na closet din para sa damit.. Tinanggal nya ang kanyang coat at sinampay para di iyon malukot, hinubad ang soot nyang hills saka nahiga binuksan ang aircon at ipinatong ang kanyang bag sa side table nang kama, saka sya nahiga doon.. 

Ilang minuto na ding nakahiga si Kaycee sa kama.. At parang hinihila sya nang kanyang antok.. 

"Good morning Sir ! Nasa loob po si Mrs. Sandoval hinihintay kayo.." wika naman nang kanyang secretarya.. 

"Salamat Nancy.." tugon ni John Leynard.. Pagpasok nya nang opisina wala syang nakitang Kaycee.. Nakita nyang bahagyang nakaawang ang kanyang maliit na silid sa opisina, nilapitan nya iyon at nakita nyang nakahiga ang babae sa kama. Tinanggal nya ang coat at inilaga sa kanyang upuan.. 

"Nancy may pag-uusapan kami ni Mrs. Sandoval, wag ka nalang muna tumawag, I'll inform you when it's done.." tawag ni John Leynard sa intercom sa linya ni Nancy.. 

"Okey sir.." sagot naman nang secretary.. 

Muling pumasok si John Leynard sa kwarto at marahang isinara ang pinto niyon. Hinubad nya ang kanyang soot na sapatos at lumapit sa kama.. Nagising naman si Kaycee nang maramdaman nyang gumalaw ang kama.. 

"Oh nakatulog ako kakahintay sa'yo.." wika naman nitu.. 

"At dito mo pa talaga ako piniling hintayin.. Na akala mo'y nag-aanyaya nang kung anong pwedeng gawin.." nakangiti namang wika ni John Leynard.. Babangon na sya ngunit agad na pinulupot nang lalaki sa bewang ang kanyang mga braso.. 

"Nagpunta ako dito para malaman ang lahat.." si Kaycee.. 

"Pwede mamaya mo na ako interviewhin? Can we stay this moment kahit sandali lang.." si John Leynard.. At mula sa likod ni Kaycee niyakap ni John Leynard ang babae, hawak ang kamay ni John Leynard at hinayaan naman nyang nakayakap sakanya eto.. Pero di nakatagal si Kaycee sya din ang humarap sa lalaki.. 

ISLAND OF DESIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon