Island of Desire - Chapter Six

12.1K 198 2
                                    

C H A P T E R - #06

MALAPIT nang matapos si Jeffrey sa kanyang paghahakot, puno narin nang pawis ang kanyang kaninang suot na t-shirt. Napapatikhim si Sugar kapag nakikita nitu ang katawan nang binata, lalaking laki talaga eto, inuna nilang itayo ang tent maging si Mang Lando ay tumulong narin sa kanilang ginagawa para agad na matapos iyon bago pa man lumubog ang haring araw.

Agaw dilim narin nang matapos nina Mang Lando ang dalawang tent, si Sugar at Kaycee naman ay namulot nang tuyong mga kahoy para sa gagawing vonfire. Nang masigurado ni Mang Lando na maayos na ang lahat saka sya bumalik sa yate, bumalik din si Jeffrey para banlawan ang tubig alat na nasa kanyang katawan, sya nalang ang magdadala nang bangka sa Parang pabalik. 

Matapos maligo, dinala nya ang maliit na radyo sa Isla at ilang pirasong damit. Kinuha din nya ang sinabi ni Sugar na mga canned goods, makalipas ang halos trenta minutos, nakabalik narin si Jeffrey naabutan nya ang magkaibigang nakaupo sa harap nang apoy at hawak- hawak ang mga bbq stick, lumapit din sya sa dalawa at inilapag ang dala nyang radyo. 

"Uy okey yan ah! may dala ka palang radyo.." wika ni Sugar. 

"Oo dinala ko talaga, para makita naman nang kaibigan mo ang talent ko sa pagsayaw.." nakangiting wika ni Jeffrey na ang mga mata ay nakatingin kay Kaycee, saglit naman lumingon si Kaycee pagkatapos ay binaba din ang mga mata. 

Di kayang salubungin ni Kaycee ang mga mata ni Jeffrey yon ang totoo kaya agad din sya nagbaba o umiiwas nang paningin, mapungay at tila nagungusap ang mga mata ni Jeffrey na para bang lahat nang sinasabi nitu ay totoo at ang mata ang sumasalo. nagpatugtug nang mga love songs si Jeffrey, alam nyang walang signal doon kaya kahit makaluma, may dala syang radio tape.. Lahat paborito nyang kanta ang mga nandoon, mahilig talaga sya sa love songs, ang kanta lang ang walang hilig sakanya, mukhang gusto din naman nang dalawa ang kanta, sinasabayan pa nila eto. Kaya natuwa naman si Jeffrey. Nang pumaimbabaw ang awiting CARELESS WHISPER, marahang tumayo si Jeffrey at ngumiti pa nang pagkatamis sa magkaibigang Kaycee at Sugar.

Halos hindi kumukurap ang mga mata ni Kaycee sa lalaking gumigiling sa harapan nilang magkakaibigan.. Hindi siya makapaniwala sa gwapo at machong lalaking ito ay sinuong ang ganoong trabaho, sinabi din kase sa kanya ni Sugar na isa callboy si Jeffrey at eto ang kinuha nya para akitin sya... Napapalunok siya habang walang humpay ang pagpiesta ng mga mata niya sa mala adonis nitong katawan.. May kakaiba siyang init na nrarandaman sa kanyang katawan. Hindi pa nya nakikita ang buong katawan ni Jasper, pero alam nyang maganda din naman ang katawan nitu, pero kakaiba ang kanyang nararamdaman habang tinititigan ang lalaki.Maging si Sugar ay napatulala sa aktong ginagawa ni Jeffrey nakikita nya etong sumasayaw sa bar ngunit iba pala ang pakiramdam kapag malapitan na ang lahat.

Nang matapos ang awitin huminto narin naman si Jeffrey sa pagsayaw nya, pumalakpak si Sugar samantalang sumimangot naman si Kaycee at pumasok eto sa tent, susundan sana ni Jeffrey ang dalaga ngunit binawal naman sya ni Sugar.

"Hayaan mo lang mo na sya.. Magiging maayos din yun, nagulat lang marahil sa pagsayaw mo.." wika ni Sugar. Kaya hinayaan nalang muna ni Jeffrey ang dalaga, kumain sila nang inihaw na hotdog ni Sugar habang si Kaycee ay nasa loob naman nang tent.

"Sya nga pala yung isang tent sa'yo yan, pwede kang  matulog dyan o samahan mo si Mang Lando sa yate.." si Sugar muli..

"Sasamahan ko nalang kayo dito, di natin kabisado ang isla na to mainam na ang magkakasama tayo dito.." sagot naman ni Jeffrey.

"Okey ikaw ang bahala.." si Sugar.

Nang matapos naman kumain sina Sugar at Jeffrey, nagpaalam naman ang isa.. magpapahinga na, naiwan naman si Jeffrey sa labas at tinungo ang ni Sugar ang tent nila ni Kaycee. Di nga nagkamali si Jeffrey kay Sugar, matinong bakla eto. 

ISLAND OF DESIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon