ISLAND of DESIRE - C H A P T E R #20

9K 151 2
                                    

C H A P T E R - #20 

HABANG nag-aagahan ang dalawa, ginawa na ring ipaliwanag ni John Leynard ang kanyang pakay kung bakit pinapasok nya nang maaga si Kaycee.. 

"Papalitan natin nang plan B ang nauna na nating plano sa kompanya, ang team ko at ikaw ang gagawa noon, ngunit isa lang ang hihingin ko, wag mo ilalabas ang plan B lalo na sa tao nang asawa mo, alam mo na kung sino ang tinutukoy ko.. Nakarating na sa asawa mo ang plano ko sa kompanya kaya kailangan kung gawin ang plan B.." wika ni John Leynard.. 

"Pero paano ang gagawin ko, dadaan kay Cassandra ang budgeting noon.. At paano ang gagawing meeting is it possible na maitago iyon..?" tanong naman ni Kaycee.. 

"Sa ngayon hahayaan ko na munang kumilos ang asawa mo, at kung kinakailangan madaling araw ang meeting gagawin natin.." wika naman ni John Leynard.. 

"Di ko maintindihan kung anong plano mo talaga.." wika naman ni Kaycee.. 

"Gusto mong malaman? Simple lang naman ang gusto kong durugin ko ang asawa mo.. At ang dahilan malalaman mo kapag nadurog ko na sya nang pinong-pino.. Kagaya nang sinabi ko sa'yo kung sakaling gusto mong kampihan ang asawa mo free ka na bumalik, pero di magbabago ang plano ko sa kanya.." galit na wika naman ni John Leynard.. 

"Pero bakit? At anu ang dahilan?" si Kaycee.. 

"Dahil sa pagpatay nya kay Jeffrey yun ang dahilan Kaycee.." galit padin na wika ni John Leynard.. Naguguluhan talaga si Kaycee sa nangyayari, minsan pinaparamdam nang lalaki na sya si Jeffrey pero sinasabi din nitu na patay na eto.. Nagpatuloy sila sa pagkain, ala-sais nang umaga nang bumalik sila nang kompanya.. 

Tahimik lang si Kaycee at pinagmamasdan naman ang lalaki sa side mirror nang sasakyan nya, sasakyan ni Kaycee ang gamit nila, matapos ang naganap at muntik nang mangyari kanila wala naman nang napag-usapan pa tungkol sa bagay na iyon.. 

Maaga naman dumating si Ms. Santos ang secretarya nina John Leynard at Kaycee, nagulat pa eto nang makitang nasa opisina na ang dalawang amo. 

"Sir!.. Ma'am ang aga nyo ata pumasok.. Anong meron..?" takang tanong naman ni Ms. Santos.. 

"Wala naman, may pinag-usapan lang kami na napakahalagang bagay.." sabay kindat naman ni John Leynard sa Secretarya.. 

"Wow okey yang tandem nyo ha.. Sabi ko na at bagay na bagay kayo eh.." naibulalas naman nang Secretarya.. 

"Bagay nga kami complecated naman ang status nang amo mo.." sabay tawa 

nang binata, at pumasok na ang dalawa sa opisina.. 

"Kung anu-anu ang sinasagot mo mamaya magkaroon pa nang issue about sa'tin?" wika naman ni Kaycee nang nasa loob na sila.. 

"Bakit wala bang issue..? Parang celebrity lang tayo noon.." biro naman ni John Leynard.. 

ISLAND OF DESIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon