ISLAND of DESIRE - C H A P T E R - #21

8.1K 142 0
                                    

C H A P T E R - #21 

DAHIL araw nang Linggo at walang pasok, sa pamilya naman ang oras ni Kaycee. Dinala nya ang kanyang anak sa mall para malibang naman eto at pinangako nya kase na ilalabas nya eto dahil nakakuha eto nang tatlong star sa school nito. Matalino si JL kaya naman palagi nyang pinupuri ang kanyang anak. 

"Mommy thank you for bringging me out.. I love you so much.." lambing pa ni JL sa kanyang mommy.. 

"I love you too baby ko.." tugon naman ni Kaycee.. 

"Mommy I'm not a baby, big boy na ako.." nakangiti namang tugon ni JL.. 

Nasa isang park sila nang lumapit naman ang isang taong di nila inaasahang nandoon.. 

"Hello everyone.. Mukang ang saya nyong mag-ina ah.." bati pa nitu.. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong naman ni Kaycee.. 

"Ganyan ba ang pagbati sa asawa mo, dapat salubungin mo manlang ako nang halik o kaya yakap.." akma namang hahalikan ni Jasper si Kaycee nang umiwas naman ang babae.. Kaya mahigpit na hinawakan nitu ang baba ni Kaycee at ang isa ay sa braso.. 

"Bakit nalawayan ka na rin ba nang Oxx na iyon ha!" galit na wika ni Jasper.. 

"Daddy bitiwan mo si Mommy nasasaktan sya..!" sigaw naman ni JL.. Nang hindi bitawan ni Jasper si Kaycee lumapit si JL at kinagat ang isang binti ni Jasper dahilan para bitawan nang isa si Kaycee. At tinulak nitu si JL tumilapon naman sa isang sulok nang upuan si JL sa park na iyon.. 

Kanina pa nakamasid si John Leynard sa mag-ina sinundan nya eto mula sa bahay kaya di nya natiis nang makita na sinasaktan ni Jasper ang mag-ina.. 

"Bitawan mo si Kaycee Jasper, napakawalang hiya mo talaga..!" sigaw ni John Leynard dito.. 

"Wala kang pakialam kung anu man ang gawin ko sa mag-ina ko.." tugon naman ni Jasper.. 

"Mag-ina? Kelan mo pa sila tinuring na mag-ina?" tanong ni John Leynard at itinayo nitu ang batang si JL.. 

"Ang lakas nang loob mong makialam.." isang suntok sa pisnge ang ibinigay ni Jasper kay John Leynard.. Di naman nakaiwas ang isa kaya naman sapol eto sa mukha, nang makita naman nang mga body guard ang ginawa ni Jasper agad etong umalalay.. Ngunit pinigilan ni John Leynard ang mga eto. 

Gumanti si John Leynard sa suntok na ibinigay kanina ni Jasper kaya naman nagpangbuno ang dalawa.. Nang makaganti na si John Leynard saka nya sininyasan ang mga kasama. Agad na umalalay ang tatlong alagad ni John Leynard, binigyan nang sunod-sunod na suntok si Jasper. Habang hawak nang dalawa ang magkabilang kamay nitu ang isa naman ang taga suntok.. 

"Tama na yan! " awat din ni John Leynard.. At inaya na ang mag-ina, nakasunod naman sa likuran nang mga eto ang alalay ni John.. Sa sasakyan ni Kaycee si John Leynard sumakay, sya ang nagmaneho noon.. 

Kumuha nang wet tissue si Kaycee sa drawer nang sasakyan at pinunasan ang dugong nasa bibig ni John Leynard, habang nakatulala naman si JL, tumigil na rin eto sa pag-iyak.. 

"Hindi mo na dapat pinatulan si Jasper, pati ikaw nasaktan.." mahinang wika ni Kaycee habang pinupunasan ang mukha ni John Leynard, ginagap naman nang lalaki ang kamay ni Kaycee.. 

"Hindi ko hahayaan na saktan nya ang anak ko, minsan na may napahamak sa kanyang mga kamay at di ako papayag na muling dadapo ang mga palad nya sa'yo man o kay JL.." galit na wika ni John Leynard.. 

"Pero tama sya, wala kang karapatan sa amin, sya pa rin ang ama ni JL at asawa nya parin ako.." wika naman ni Kaycee.. 

"Damn it Kaycee! Kahit kelan hindi sya naging ama kay JL, oo sa papel marahil, ngunit tinrato ba nya kayo nang tama!? Di ba hindi!" galit at napalakas naman ang boses ni John Leynard.. Kaya naman umiyak nanaman si JL. 

ISLAND OF DESIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon