ISLAND of DESIRE - C H A P T E R #26

7.4K 118 3
                                    

C H A P T E R - #26 

MADILIM ang paligid nang kinaroroonan nina Kaycee nang magising sya, hawak ni JL ang kanyang mga kamay, iginala nya ang kanyang mga mata pilit na inaalam kung nasaan silang lugar. Agad nyang niyakap si JL nang makabangon na sya.. 

"Mommy are you okey? " tanong sa kanya ni JL.. Tumango naman si Kaycee. 

"Okey kalang ba anak?" ganting tanong ni Kaycee na tila nahilo-hilo pa.. 

"Yes Mommy I'm okey, lot's of bad guy outside mommy.." wika naman nang bata.. Niyakap nya lang si JL. Di nya alam kung anu ang pakay sa kanilang mag-ina nang mga eto. 

Dahan-dahang tumayo si Kaycee at iniikot nang kanyang mga mata ang kabuuan nang kinalalagyan nila. Mukha etong isang abandonadong gusali, naririnig nya ang mga boses nang mga lalaking nagkukwentuhan at nagtatawanan. Nakita nya ang kanyang shoulder bag, agad nyang dinampot iyon at hinanap ang kanyang cellphone. Ngunit nailabas na nya lahat nang gamit doon wala syang nakitang cellphone.. 

"One of the bad guy take your phone mommy.." mahinang wika ni JL, pabagsak na nanghina si Kaycee, naalala nya pa ang pagpatay na ginawa sa yaya ni JL.. 

"Ano bang kailangan nila sa atin?" ang anak lamang ang naging buntungan ni Kaycee nang mga oras na iyon.. 

"Don't worry darating din si daddy para tulungan tayo.." tila pagbibigay naman nang lakas ni JL sa ina.. 

Halong kalahating oras nang naghihintay si John Leynard sa usapan nilang lugar ngunit wala parin ang kanyang mag-ina. Tinatawagan nya ang phone ni Kaycee ngunit ring lang nang ring iyon.. Sa pag-aalala ni John Leynard tinawagan nya ang linya nang telepono nang bahay nina Kaycee.. 

"Hello Mrs. Briones nakaalis na ho ba ang mag-ina ko? Tanong naman ni John nang sagutin nang mama ni Kaycee ang kanyang tawag.. 

"Yes iho, humigit na rin naman kalahating oras mula nang makaalis sila.. Bakit wala pa ba dyan?" si Mrs. Briones.. 

"Wala pa po, malamang na trapik lang , sige ho salamat hintayin ko nalang sila.." sabay baba at putol nang linya nila.. 

Habang naghihintay di naman maiwasan ni John Leynard na pabalik-balik ang tingin sa labas nang restauran na iyon. Masusi nyang tinitingnan kung dumating na ang sasakyan ni Kaycee, inutusan din nya ang kanyang body guard na hintayin ang kanyang mag-ina.. Nakailang balik na sya nang labas nang Restaurant ngunit wala parin ang mga eto.. 

Muli nyang tinawagan ang numero ni Kaycee ngunit kagaya nang una ay di nanaman nito iyon sinagot. Hindi na sya na mapakali labis-labis na ang kanyang pag-aalala. Kaya naman tinawagan nyang muli ang Papa ni Kaycee.. 

ISLAND OF DESIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon