Island of Desire- Chapter Three

14.6K 204 2
                                    

 "ISLAND of DESIRE''

BY : "Ms. Alejos"

C H A P T E R - #03

KINABUKASAN maagang nagising si Sugar para sa pakikipagtagpo nya sa matalik nyang kaibigang si Kaycee. Naligo at nagpalit sya nang kanyang damit. Ganun din naman si Kaycee maaga din eto nagising halos tatlong buwan din kase sila di nagkita nang matalik na kaibigan kaya naman sobrang exited sya na makita etong muli, tyak na marami nanaman etong pasalubong sa kanya, kwento ang kadalasang pasalubong nitu..

Eto ang pinaka malapit na kaibigan sa kanya, brutal kung magsalita eto ngunit may katotohanan di kagaya nang mga baklang kilala nya na lumalapit lang sa kanya para sa kailangan, kung makikipagkaibigan man may dahilan ang mga eto, pero si Sugar kilala na nya ang ugali nitu at wala sa life style nitu ang manloloko talagang pagkakaibigan ang hanap nitu. Sa tagal nang pagkakaibigan nila halos kabisado na nila ang bawat ugali nang bawat isa, kahit sa phone na magkausap sila alam nila kung ang tono nang boses nitu ay may dinadalang problema.

"Hi Pa! Good morning Ma!.. Mauna akong umalis magkikita kase kami ni sugar eh.. doon nalang ako mag-aalmusal kasama nya" pamaalam ni Kaycee sa mga magulang.

"Anak bawas-bawasan mo ang pagala, ikaw nga etong ikakasal na, hindi maganda yong labas  ka nang labas malapit daw sa disgrasya ang mga taong ikakasal na, kaya mag-iingat ka palagi.." paalala nanaman nang kanyang mama.

"Yes Ma!. " tugon ni Kaycee at hinalikan ang magulang  sa pisnge saka tuluyan nang nilisan ang kanilang bahay.

Sakay nang kanyang kotse nagtungo sya sa usapan nilang lugar ni sugar. Nauna nang dumating si Sugar sa meeting place nila kaya nang matanawan nitu ang sasakyan nang kaibigan agad napatili eto maging ang mga taong nandoon ay napalingon sa kinatatayuan ni Sugar.

"B-Best F-Friend!!!!! " tili ni sugar sabay buka nang nang malapad na mga bisig nito para yakapin ang kaibigan. Nag-aapura naman na lumapit si Kaycee sa kaibigan at niyakap din eto. Matagal ang yakapan nila at lahat na ata nang tao nakatingin na sa kanila.

"Kumusta kana? Lalo kang gumanda ata.. Mukang nahiyang ka sa pagmamanage mo nang resort ah.." bungad ni Kaycee sa kaibigan.

"Naku ikaw nga ang mas lalong gumanda mukang hiyang ka kay Papa Jasper, Kumusta naman kayo? Ikaw ba sigurado na dyan sa papasukin mo? Aba hindi biro ang pag-aasawa ha.." nakangiting wika ni Sugar.

"Anu ka ba syempre sure na ako, alam kung magiging ulirang asawa at ama si Jasper sa amin nang pamilya nya, napakabait nya kaya wala na akong mahihiling pa, mahal na mahal namin ang isa't-isa kaya wala naman na magiging problema.." tugon naman ni Kaycee.

"Sure ka ba na ganoon nyo kamahal ang isa't-isa na kahit anung tukso ang dmating malalampasan nyo, tingin ko hindi totoo yan,. Tsaka di mo naman malalaman na mabait sya dahil di pa naman kayo nagkakasam sa iisang bubong eh.." tugon naman ni Sugar..

"Naku bestfriend subok ko na ang sarili ko, at alam kung di ako magtataksil sa kanya. Period." maigting na tugon ni Kaycee.

"Talaga? I dare you come with me for one week in one island na may kasamang hunk at aakitin ka tingnan ko lang kung di ka magtaksil sa nobyo mo.." wika naman ni Sugar..

"Naku di na kailangan bestfriend." sagot naman ni Kaycee.

"Bakit natatakot ka? Natatakot na baka nagkakamali ka nag tunay mong nararamdaman kay Jasper? Alam mo bestfriend kung totoo yang feeling mo na yan then accept my dare to you..Oh baka naman  ayaw mong tanggapin ang hamon ko dahil alam mong ako ang mananalo.. I know you alam kung ayaw mong natatalo.." pilit na pangungulit ni Sugar sa kaibigan.

ISLAND OF DESIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon