Island of Desire - Chapter Eight

12.7K 195 0
                                    

C H A P T E R - #08 

DALAWANG oras ang kanilang taning sa paghahakot nang mga shells, pagkatapos noon ay bibilangin kung sino ang may pinaka maraming Shells na nakuha. Dala ang kamera ni Kaycee, habang naglalakad sila namataan nila ang isang landscape malapit sa dagat napakaganda nang kapaligaran doon, patakbong lumapit si Kaycee hila nya si Jeffrey magpipicture taking sila sa lugar na yon.. Malapit na sila pareho sa magandang tanawin nang biglang umaray si Kaycee napaupo sya sa buhanginan, agad naman tiningnan ni Jeffrey ang paa nang dalaga, nag-uunahan kumawala ang dugo doon, malaking hiwa sa balat na tumagos sa laman ang sanhi nang pag-aray ni Kaycee.. 

Dahil walang kahit na anu sa Isla, kumuha nang tubig alat si Jeffrey at hinugasan ang paa nang dalaga, saka nya pinunit ang laylayan nang kanyang damit, kumuha nang sapat na tila at itinali sa paa ni Kaycee iyon.. Napapangiwi ang dalaga sa sakit at hapdi.. Di kase nitu suot ang tsenilas dahil nagmamadali minabuti nitung bitbitin nalang.. 

"Thank you.." wika ni Kaycee sa binata.. 

"Okey lang.." sya namang sagot ni Jeffrey at naupo nalang eto sa tabi nang dalaga, nasa pagitan sila nang naglalakihang maga bato, gamit ang dala nilang sako inilatag iyon ni Jeffrey at magkatabi silang nahiga doon.. 

"Ang ganda dito anu? Walang stress, walng husle wala kang ibang maiisip kundi ang sana makasama mo ang taong mahal mo sa ganitung lugar.." wika ni Kaycee.. 

"Tama ka. Napakatahimik huni nang ibon, hampas nang mahinang alon at mga kuliglig lang ang maririnig mo.. Nanghihinayang ka ba at di mo kasama ang nobyo mo??" tanong ni Jeffrey sa dalaga.. Natahimik naman eto, alam nang kanyang nobyo na berhen pa sya at wala pang nakakagalaw kaya nga pinipigilan din nitu ang matukso sa dalaga dahil gusto nyang malinis etong ihaharap nya sa altar. 

"Hindi naman naisip ko lang, na nasarap kung kasama mo ang taong mahal mo.. Ikaw di mo ba naisip ang nobya mo habang nandito ka..? " ganting tanong naman ni Kaycee.. 

"Wala pa akong naging nobya, alam kung magiging kumplekado kapag nagkaroon nang karelasyon nag-aaral pa kase ako, ayokong mahati ang lahat kung saan ako nakapokus, kung meron man ako nakakasalubong yon ay ang mga matrona at mga kabaklaan na wala namang ibang gusto kundi magpalipas lang nang oras.." sagot naman ni Jeffrey. Sa narinig ni Kaycee tila naman nasaktan sya sa tinuran nang binata.. 

"Ibig bang sabihin nakikipagcontak ka rin sa kanila? " muling tanong ni Kaycee.. 

"Sa klase nang trabaho ko magiging sinungaling ako kapag sinabi kong hindi.. So the answer is YES, once they pay, pwede nilang gawin anu man ang gusto nila, pero Hindi naman ako ang taga maneho.. Malamang pandirian mo ako na ngayon, sinabi ko lang totoo, but in the situation of same sex anu ba ang pwede nilang gawin, palagi lang naman nilalaro ang kwan ko... They fokus on that part.. Minsan nga natanong ko rin ang sarili ko nasisiyahan kaya sila?they give big amount of money para sa kaunting karinyo nang kagaya ko.. Kase para sa'kin it's not, I would never be satisfied, ngayon ko lang naramdaman ang tunay na kahulugan nang sex, with you Kaycee.." sabay lingon ni Jeffrey sa katabi.. 

Natahimik naman sa rebelasyong iyon si Kaycee, kinakapa ang sarili kung nandidiri nga ba sya sa binata, ngunit di naman sya lumayo dito tama lang na nakinig sya sa pagbubukas nang nasa loob nitu.. 

"Hindi maganda ang backround nang pamilyang pinanggalingan ko, sa totoo lang ang Mama ko dati syang G.R.O sa isang kilalang club kung saan ang nakakatanda kung kapatid doon din naman nagtatrabaho, at ang Papa ko ginamit ang kagandahang lalaki at dakilang husto sa bansang Japan dati, ang saklap noh? Kaya sa edad kung eto, nagsumikap ako mag-aral kahit na tutul pa sila, nang sa ganoon mabago ko ang ikot nang aking buhay, mataas ang pangarap ko sa magiging pamilya ko, kaya nagsusumikap ako, kahit sabihin pang ang puhunan ko ay sarili kung katawan, eto rin ang gagamitin ko para matupad ang mga pangarap ko.." mahabang kwentu ni Jeffrey. Napahanga naman si Kaycee sa kwento nang binata, bihira ang mga ganitu na pinaninindigan ang kanilang mga pangarap. At gagawin ang lahat mabago lang ang ikot nang kanilang buhay. 

ISLAND OF DESIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon