ISLAND of DESIRE - C H A P T E R #18

8.7K 169 1
                                    

C H A P T E R - #18 

KINABUKASAN dahil walang pasabi si John Leynard na hindi sya papasok, si Kaycee ang umakto nang mga gawain nang kanyang boss, ang nakapending na meeting sa opisina itinuloy nya parin kahit wala eto. Tinatawagan nya ang numero nang amo ngunit di naman eto sinasagot. 

"Akala ko pa naman professional na tao iyon pagdating sa trabaho, bigla nalang aabsent nang walang paalam.." bulong ni Kaycee sa sarili habang dinadala ang mga folder at envelop sa meeting room.. 

"Ma'am Kaycee tumawag nga pala si Mr. Oxx baka mamayang hapon nalang daw sya makakapasok ikaw na muna raw ang bahala, may importante kase syang lakad ngayon.." wika naman ni Ms. Santos.. 

"Maiba ako Ms. Santos tinanggap ba ni Mr. Oxx ang babaeng haliparot na yon dito sa kompanya..?" tanong ni Kaycee na ang tinutukoy ay si Cassandra.. 

"Yes ma'am nasa accounting department po sya.." tugon naman ni Ms. Santos.. 

"Accounting department? Bakit nakatapos ba nang kurso nya yon?" takang tanong pa ni Kaycee.. 

"Opo kompleto pa ang mga papers nya.." sagot muli ni Ms. Santos.. 

"Naku Ms. Santos, please watch her, mukang nagkamali pa nang department na pinaglagyan ang boss natin, accounting magiling magtuwid pala yon kung ganun, magiling din manisid.. Kaya dadagdagan ko ang trabaho mo, paki doble ang mga papel na manggagaling sa accounting department. Wala akong tiwala sa babaeng iyon!" wika pa ni Kaycee.. Di naman nya alam na nasa likuran na pala nila si Cassandra.. 

"Oh wala ka pala tiwala sakin, mabuti nalang si Mr. Oxx nagtiwala sakin, gayong sya na ang may-ari nitong kompanya nyo.. Anyway baka gusto mong malaman kung anong posisyon ko sa accounting department..?" maarte at tanong pa nitu kay Kaycee.. 

"I'm not enterested anyway.." sagot naman ni Kaycee at inirapan pa eto saka pumasok sa meeting room.. 

Nagtaka naman sya kung bakit si Cassandra ay pumasok din doon.. 

"Kailangan ba ang presensya mo sa meeting na eto?!" inis na tanong ni Kaycee.. 

"It was a general meeting, as a new head of accounting department, kailangan ang presensya ko dito..!" mataray na sagot naman ni Cassandra.. Nilibot naman ni Kaycee ang kanyang mata wala nga doon si Mr. Suarez ang head nang accounting department. Lalo naman sya nainis sa amo. Dahil ang tagal na ni Suarez sa accounting ngayon pa eto napalitan.. 

Galit at inis man ipinagpatuloy parin ni Kaycee ang meeting, ang mga discussion na kailangang talakayin ay pinag-usapan nila, ang mga bagong propaganda lalo na ang advertisement na gagawin sa company. Syempre ang accounting department ang mag aanalized nang gastos sa mga eto kaya masama ang tingin nya kay Cassandra na pinaliwanag eto. Nasusuka sya at kumukulo ang galit nya kapag nakikita eto, di nya makalimutan ang nakita nya sa opisina. Alam nyang hanggang sa ngayon ay nagtatagpo parin ang dalawa at alam nyang tao eto nang kanyang asawa pinapasok doon para mag espiya.. She's loughing at her self kapag naiisip nya ang word na asawa. Halos isuka na nya ngayon si Jasper. 

ISLAND OF DESIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon