ISLAND of DESIRE - C H A P T E R #25

8.5K 130 3
                                    

C H A P T E R - #25 

ILANG araw nalang din naman ang ilalagi nang mag-inang Stella at John Leynard sa Istanbul. Napagpasyahan nang dalawang mauna nalang muna si John Leynard na umuwi sa bansa, plano kase ni Stella mag cross country patungong Australia susunod nalang eto sa Pilipinas. Habang tinatapos ang kanyang trabaho di rin naman nalilimutan ni John Leynard na tawagan ang kanyang mag-ina palagi nyang kinukumusta ang mga eto, lalo na si JL. 

"Daddy John Leynard di pa ba kayo uuwi ni Lola..?" tanong ni JL nang minsan nag-usap sila sa telepono.. 

"Malapit na baby. Kumusta si Mommy? Binabantayan mo ba?" si John Leynard.. 

"Opo binabantayan ko tsaka nang mga iniwan mong body guard daddy.." bibong sagot naman ni JL.. 

"Uy that's good, anong gusto mong pasalubong pag-uwi ni Daddy..?" tanong naman ni John Leynard.. 

"Hhhhmmm.. Anything daddy. "si JL.. 

"Okey be a good boy always, and take care for your mommy at may magandang gift si Daddy pag-uwi ko.." sagot ni John Leynard.. 

"Okey daddy.. Ingat ka din po.. Bye. Ilove you.." pamamaalam ni JL.. Matapos magkausap ang mag-ama, sina Kaycee at John Leynard naman ang nag-usap. 

"Mag-ingat kayo dyan palagi ni JL ha.. Just how many days uuwi na rin naman ako.." si John Leynard.. 

"Kasama mo ba si Tita Stella..? "tanong naman ni Kaycee.. 

"No mahal ko, plan pa nya mag around the world. Ako nalang ang mauunang umwi then she will come after me.. Mahal ko kailangan ko na putulin eto. Tatawagan nalang uli kita.." paalam naman ni John Leynard.. 

"Okey mahal ko.. I love you.." si Kaycee.. 

"I love you too.." tugon naman ni John Leynard.. 

Isang tawag mula sa Pilipinas ang dahilan kung bakit pinutol ni John Leynard ang kanyang pakikipag-usap kay Kaycee. Importanteng tawag din iyon kaya sinagot nya muna ang kanyang cellphone nang mga oras na iyon.. 

Isang nakakagimbal na balita ang dumating mula sa kanyang pinagkakatiwalaang tao, ilang araw mula nang mawala si Jun nakita ang bangkay nitu sa harapan mismo nang building nang JLSO BRANCH COMPANY, nakahiwalay ang ulo nitu sa katawan, at isang malaking sign board ang inilagay nang mga lumapastangan sa katawan nitu "WAG PAMARISAN ANG TAONG TRAYDOR KAGAYA NI JUN!".. Ayon sa balita mga taong labas lamang ang pwedeng gumawa nang ganitong nakakakilabot na pangyayari.. Kaya naman ang kompanya ni John Leynard ay laman nang pahayagan dahil tauhan nya ang namatay at mismong sa building pa nila eto inilagay. Dahil sa pangyayaring iyon kay Jun mas inapura ni John Leynard ang pag-uwi sa bansa. 

ISLAND OF DESIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon