ISLAND of DESIRE - C H A P T E R #27

8.2K 145 3
                                    

C H A P T E R - #27

MAGDAMAG din halos walang tulog si Kaycee sa kinaroroonan nila, binabantayan nya si JL na panay ang kamot at tampal nang katawan dahil na rin sa kagat nang lamok, naawa sya sa kanyang anak, nagugutom eto eto nang nakaraang gabi, hindi man lang sila inabutan nang pagkain nang mga lalaking kumuha sa kanila. Kaya pagising nitu tyak na maghahanap nanaman nang pagkain. Mas mabuti na nga lang na matulog eto nang sa ganoon hindi maramdaman ang gutom, dinudurog ang kanyang puso kapag impit na umiiyak eto. 

Alas-siete na nang umaga ayon iyon sa relo nyang pambisig kaya, dahan-dahan syang tumayo lumapit sya sa bintanang nakikita nya sa silid na kinalalagyan nila, sumilip sya sandali sa liwanag na kanyang natatanaw. Napagtanto nyang nasa taas sila at mukhang lumang building ang kinaroroonan nila. Maliban sa mga damuhan at tila tambakan nang mga lumang sirang sasakyan ang kanyang nakikita, wala na syang makita pa, agad syang bumalik sa pagkakaupo nang makarinig sya nang mga yabag papalapit sa kanilang kinaroroonan.

Muli nyang tinabihan ang anak na nahihimbing parin sa pagtulog.. Nakita nyang binubuksan nang lalaki ang pintuang bakal nang kanilang kinalalagyan. May dala etong dalawang di kalakahang plato.. At may nakita syang dalawang tasa doon at supot. Hindi nya alam kung ano ang laman niyon. 

"Eto mag-agahan na muna kayo, baka nagugutom na kayo!" wika naman nang lalaki.. Sabay isinara nitu ang pintuan at muling inilock iyon.. Nang makaalis ang lalaki, nilapitan nya ang dala nitu na ibinaba lang sa sahig. 

Binuksan nya ang supot, tinapay ang laman niyon at dalawang tasa nang kape ang ibinigay sa kanila, tasa na wala pang hawakan at may basag pa ang bandang taas niyon, mainit pa naman ang kape kaya minabuti nyang gisingin si JL.. 

"Baby wake-up may pagkain na tayo, kumain kana muna before you sleep again.." wika naman ni Kaycee.. Pupungas-pungas naman na bumangon si JL.. Tiningnan ang sinasabing pagkain nang ina.. 

"Mommy I want fried rice and omellete.." si JL.. 

"Baby eto nalang muna ang kainin mo, kapag nakauwi na tayo saka nalang yung fried rice ha.." sagot naman ni Kaycee sa anak.. Tiningnan ni JL ang laman nang tasa.. 

"Sabi mo bad sa bata ang black coffe, why I need to drink this black coffee..?" muling sita ni JL.. 

"Anak isipin mo nalang nakalimutan natin magdala nang food at eto lang available, you don't have a choice but to eat kesa magutom ka di ba.. Kaya please kainin mo na muna eto.." paliwanag naman ni Kaycee.. 

"Next time mommy don't forget to bring food okey.." nakangiting wika ni JL.. Ngumiti naman si Kaycee. 

Ngiting napaka pait para sa kanyang anak, nakita nyang kinuha ni JL ang isang pandesal at hinihimay iyon, isinusubo na pilit ang ngiti sa mga labi nitu. Kumain din sya nang pandesal kailangan nyang kumain para may lakas din sya, halos naubos ni JL ang apat na pirasong pandesal at hindi nila alam pero hinigop din nang bata ang kapeng kanina umuusok pa sa init.. 

"Mommy masarap din pala to..? Wika ni JL.. 

"Talaga anak? Saka nalang tayo babawi kumain.." tugon naman ni Kaycee.. 

"Mommy di pa ba dumarating si daddy?" tanung muli ni JL.. 

"Maybe this time alam na nya na nandito tayo hintayin nalang natin ha.." wika naman ni Kaycee.. Tumango nalang si JL sa sinabi nang ina.. 

Pagsapit nang bandang tanghali, naulinigan muli nina Kaycee na nagkakaingay ang mga lalaki sa sala, hindi nya alam ang dahilan nang mga iyon.. 

"Ma'am nandito po pala kayo.. Mukang masarap ang dala nyong tanghalian ah.." wika ni Tomas.. 

ISLAND OF DESIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon