ISLAND of DESIRE - C H A P T E R #14

9K 161 1
                                    

C H A P T E R - #14 

MASAYANG hapunan ang pinagharap-harapan nang mag-anak na Briones, napakabibo naman kase talaga nang kanilang apo, nakakatanggal nang lahat nang problema may kasama pa palaging paglalambing.. Nang magpaalam na ang mag-inang Kaycee at JL nalungkot nanaman ang mag-asawa madalang na kaseng maglibot ang mga eto, nagiging abala si Kaycee sa trabaho. 

"Anak tutal nasa trabaho ka naman bakit di mo nalang iwanan sa amin kapag pumapasok ka si JL kasama nang yaya nya.. Ang tahimik kase nang bahay parang nakakainip.." wika naman nang kanyang Papa.. 

"Sige ho Pa, susubukan ko.." tugon naman ni Kaycee.. 

"Anak kung may problema ka, wag kang magdadalawang isip na magsabi sa'kin ha.." wika naman nang kanya Papa.. 

"Salamat Pa.." tugon ni Kaycee. At pinaandar na nitu ang kanyang sasakyan, kumakaway pa si JL habang papalayo silang mag-ina.. 

Nang makaalis na ang dalawa, naiwan naman sa sala ang mag-asawang briones. 

"May kailangan ba akong malaman na sinasabi sa'yo nang anak mo..?" tanong ni Mr. Briones sa kanyang may bahay. 

"Anong ibig mong sabihin?" ganting tanong naman ni Mrs. Briones.. 

"Nagkukwento sa akin si JL tungkol sa trato ni Jasper kay Kaycee madalas daw na sinasaktan nang lalaking iyon ang anak natin totoo ba?" tanong ni Mr. Briones muli.. 

"Matagal na. Matagal na ding nagtitiis ang anak natin sa piling nang kanyang hayop na asawa.." sagot naman ni Mrs. Briones.. 

"Bakit nangyari ang ganito?" emosyonal naman na tanong ni Mr. Briones.. 

"Ayaw namin sabihin sa'yo dahil ayaw namin na mag-alala ka pa, pero kanina lang sinabi ni Kaycee na ayaw nang maglabas nang pera nang mga Sandoval para tuluyang umahon ang kompanya, plano ni Jasper na bawiin na ang shares at ang kompanya, ibebenta nalang. Inilihim namin to dahil ayaw namin masaktan ka alam ko kung gaano mo kamahal ang kompanya at alam namin nang anak mo kung gaano eto kasakit kapag nawala sa'yo. At ang anak mo, matagal syang nagtiis sa piling ni hayop na lalaking iyon para lang sa kompanya.. Sa ngayon isa nalang ang sulusyon sabi ni Kaycee ang may taong handang mag invest sa company na sinimulan mo. Masakit man pero maaring walang makuha dahil narin sa lagay nang kompanya ngayon.." paliwanag ni Mrs. Briones sa esposo.. Tahimik lang ang may kaidaran naring lalaki. Tamang nakikinig sa mga sinasabi nang kabiyak.. 

Pagdating nang mag-inang JL at Kaycee sa kanilang bahay nakita nilang naka garahe na ang sasakyan nang kanyang asawa. Pumasok sila nang makita naman nang bata ang Ama nitu lumapit naman kay Jasper at niyakap eto, saka tumalikod at akmang magtutungo narin sa silid ang bata.. 

"You dont want to play with daddy? Namis ka kase nang daddy eh.." lambing naman ni Jasper sa bata.. 

"I'm tired daddy, naglaro din kase kami nina lolo. I missed you too.." sagot naman nang batang si JL saka pumasok nang kanyang silid.. 

ISLAND OF DESIRE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon