CHAPTER 1

644 27 0
                                    

CHAPTER 1

"AV!"

Napamulat ako ng mata at kinakabahang napaupo sa kama ko dahil sa malakas na pagtawag sa pangalan ko.


"Ha? Bakit? Ano meron?" taranta kong sabi habang nagpalinga linga nang may tumamang tela sa mukha ko inis na inalis ko ang tuwalyang tumakip sa mukha ko at nakasimangot na hinanap kung sino ang naghagis noon.


At ayun nakita ko siyang nakapamewang sa may pinto ng kwarto namin, salubong ang mga kilay, basa ang mahaba niyang buhok at nakauniporme... uniporme?


Agad ako napatayo sa kama saka napatingin sa orasan sa ding ding, bumilog ang mga mata ko ng makita na pasado alas siete na ng umaga.


"O ano gising kana? Kanina pa kita ginigising. Tsk!" napakamot ako ng ulo habang nakatingin kay Banna.


"Pasensya kana, salamat pala." sabi ko at agad na kinuha ang tuwalya sa kama pati ang gamit kong pang paligo.


"Tsk! Pasalamat ka inutusan ako ni Mother Superior na gisingan ka kung hindi ay hindi talaga ako magsasayang ng oras sayo, sabi nga pala niya ay sumabay ka sa kanya papasok sa bago mong eskwelahan dahil aalis din siya." nahihiyang nginitian ko siya pero inirapan niya lang ako at saka kinuha ang bag niya sa kama niya katabi ng sa akin saka naglakad na palabas.


Siya si Vanna, kamasa ko siya sa kwarto. Dito kami nakatira sa Bahay Ampunan, simula sanggol ay nandito na kami, dito na kami lumaki at nagka-isip simula ng abandunahin kami ng mga magulang naming at itapon nalang ditto sa ampunan.


Kami din ni Vanna ang isa sa mga nakakatanda na dito sa ampunan, kahit na college na ay nandito pa din kami dahil hindi namin kayang iwanan ang ampunan dahil napamahal na kami ditto at malaki ang utang na loob naming sa lugar na to pati na din sa mga tao dito lalong lalo na kay Sister Carmen.... Sister Carmen? Shaks! Hinihintay niya nga pala ako...


"Sister pasensya na po talaga kung napaghintay ko kayo." nahihiyang sabi ko kay Sister Carmen ng nakasakay na kami sa Van na pag mamay-ari ng ampunan.


"Ikaw talagang bata ka." sabi niya lang at nginitian ako. Napakabait talaga niya, sobrang haba ng pasensya at palaging nakangiti.


Siya na ang tinuturing naming nanay, lahat kaming mga inabanduna ay siya ang tinuturing na Ina. Siya na siguro ang pinakamabuting babae na nakilala ko sa buong buhay ko, malaki ang utang na loob ko sa kanya.


"Aviona nandito na tayo, magustuhan mo sana ang bago mong eskwelahan." masayang sabi ni Sister sakin. Tumango ako sa kanya saka nagmano bago bumaba ng Van.


Hinintay ko muna makaalis ang Van na sakay si Sister bago pagmasdan ang napakalaking arko ng eskwelahan sa harap ko.


Vaughan-Schroeder University


Hindi ko napigilan ang sarili ko na impit na mapatili habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko.


MONSTER - Group of GangstersWhere stories live. Discover now