CHAPTER 15

135 16 0
                                    

Chapter 15

AUTHOR'S POV
Kalalabas lang ni Mads sa bathroom galling sa pagligo, habang naglalakad papunta sa kama niya ay pinupunasan niya ang basang buhok gamit ang isang maliit na puting towel.

Pagkaupo niya sa kama ay napatingin agad siya sa kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang kama, nagtaka siya kung bakit sunod sunod na tumunog ito, notification tone iyon ng social media app sa kanyang cellphone.

Nagtataka siyang inabot ang kanyang cellphone at tinignan ang notification bar noon. Puro galing ito sa kanyang facebook account.

Inopen niya ang application na iyon at halos mapanganga siya nang Makita ang notification icon nito, nabitawan niya ang hawak na towel sa kabilang kamay saka hinawakan ang cellphone niya gamit ang dalawang kamay.

Nang tignan niya ang notification ay puro ito mention ng pangalan niya, agad naman niyang inopen ang litrato kung saan ay panay ang mention ng mga friends niya dito.

Halos mabitawan ni Mads ang kanyang cellphone nang Makita ang pangalan ni Blaine sa ilalim nito, nangangahulugan na si Blaine ang uploader ng picture. Nanlalaki ang mata niyang tinignan ang litrato.

Siya iyon, nakayuko siya kaya hindi masyado kita ang mukha niya. Kuha ito noong nasa cafeteria sila ni Blaine, siguro ay kinuhanan siya ng litrato ni Blaine noong yumuko siya para tignan ang oras sa cellphone na nasa lap niya.

Iniscroll down niya ang screen, napatitig nalang siya sa nakalagay na caption sa kanyang litrato.

"Monster's girl."

Hindi nakatag sa kanya ang picture pero alam na ng buong VSU na siya yun dahil sa mga mentions na comment sa picture na yun.

"Bwisit ka talaga Blaine!!!!" inis na sigaw niya saka dumapa sa kanyang kama at pinagpapalo ito. Napaangat siya ng ulo nang marinig niya nanaman tumunog ang cellphone, agad siyang napahiga at itinaas ang cellphone.

(Donald Caine Guzman mentioned you in his comment)

Agad na inopen ni Mads iyon, nagiinit na ang pisnge niya dahil sa kahihiyan na nararamdaman.

(Donald Caine Guzman
Madel Hernandez oh it's you?)

Napakagat siya ng labi, lalo pa siyang nainis dahil doon. Dali dali siyang nagtype sa comment box noon.

(Madel Hernandez
That's not me!!!)

Pagkacomment niya nun ay biglang dami agad ng notif. Niya kaya naman tinignan niya agad yun.

(Charlton Richard Cruz react to your comment)

(Donald Caine Guzman react to your comment)

Pareho ang dalawa na nagreact ng sad, napakagat siya ng kuko sa hinlalaki habang nakatingin pa din sa kanyang cellphone, nakita niya nalang na nag angry react si Blaine sa kanyang comment.

Maya maya pa ay nanlaki ang mata niya nang Makita ang pangalan ni Sennett at Soren na nilike ang picture na inupload ni Blaine. Nagpapadyak siya habang nakahiga.

"Kainis!!!!!"

**

Linggo nang umaga ay maagang nagising si Aviona, walang pasok kung kaya't tutulong siya sa paglilinis ng paligid ng ampunan, napalingon siya sa katabing kama. Maayos na ang kama at wala na doon si Vanna.

Tumayo siya saka inayos din ang hinigaan, lumabas siya sa kanilang kwarto at dumaretso sa cr para maghilamos pagkatapos noon ay dumaretso na siya sa malawak na kwarto kung saan punong puno ito nang mahahabang lamesa, ito ang nagsisilbing dining area ng ampunan.

MONSTER - Group of GangstersWhere stories live. Discover now