CHAPTER 23

129 16 1
                                    

Chapter 23

AUTHOR'S POV

Pinanuod ni Sennett na makapasok si Aviona sa loob ng ampunan, nang makita niyang nakapasok na ang dalaga ay agad niyang sinuot ang hawak na helmet. Siniguro niya na ligtas ito laging nakakauwi sa ampunan.


Napailing siya habang inaalala ang nangyari kanina sa park, palpak ang plano niyang ilibre ang dalaga, kasalanan iyon ng tindero dahil wala itong panukli sa pera niya, napabuntong hininga nalang siya saka pinaandar na ang motor.


Habang nagmamaneho ay naalala ni Sennett ang mukha ni Aviona nang makakwentuhan niya ito kanina sa park, hindi mawala sa isip niya ang mukha nito na nakangiti. Hindi ito masyadong maganda tulad ng iba pero may kakaiba sa dalaga na nagustuhan niya, sa tingin niya ay kailangan niyang protektahan ang dalaga.


Pagkadating sa BH ay agad na pinarada ni Sennett ang kanyang motor katabi ng iba pang motor ng kanyang mga kaibigan. Ibinulsa niya ang kanyang kamay na may hawak ng susi ng kanyang motor saka naglakad na papasok sa loob, dideretso na sana siya sa kanyang silid ng mapatingin siya sa pinto ng kwarto kung saan nagsisilbing sala ng mansyon.


Huminto siya sa paglalakad saka sinimulan maglakad patungo sa pintong iyon, pagbukas niya ay nakita niya na nandun ang pito niyang kaibigan napalingon agad ang mga ito nang buksan niya ang pintuan.


Nang makapasok siya ay nagulat na lamang siya ng biglang tumayo si Xyler, lumapit ito sa kanya saka hinawakan ang kanyang kwelyo, nagsalubong ang mga kilay ni Sennett sa ginawang iyon ni Xyler.


"Problema mo?" tanong niya dito, alam niyang sa lahat ng kaibigan ay si Xyler ang pinaka pasensyoso pero nagtataka siya kung bakit siya nito biglang kinuwelyuhan. Napaisip si Sennett saka niya naalala ang nangyari kanina na kasama niya si Aviona.


"Talaga bang ipapahamak mo siya? Diba napag usapan na nalalayuan natin siya?" seryosong sabi ni Xyler, umikot ang mata ni Sennett sa sinabing yon ni Xyler, tinulak niya ito dahilan para mabitawan siya nito. Inayos niya ang kanyang suot na itim na jacket saka tumitig kay Xyler.


"Ano ngayon? Tss! Alam mo Xyler, walang leader ang grupong ito, hindi ikaw ang leader ng grupo. Kahit anong sabihin mo hindi ako papayag sa naging desisyon niyo!" tinignan niya isa isa ang mga kaibigan saka binalik ang tingin kay Xyler na nasa harapan niya. "Yung ginagawa niyong pag iwas? Kaduwagan yan! Kapag ba iniwasan niyo siya hindi na siya mapapahamak? Paano kung puntiryahin siya ng mga kalaban natin at wala tayo sa tabi niya para iligtas siya? Paano kung may masamang mangyari sa kanya katulad ng nangyari kay Savanna? Magsisisi nalang tayo sa huli? Tayo ang may kasalanan kung bakit siya nadamay sa gulo natin" napailing iling si Sennett. Walang nagsalita na kahit sino, napahawak naman sa noo si Xyler.


Tumalikod na si Sennett papunta sa pintuan, mali yata ang desisyon niyang magpunta pa sa kwartong iyon, bago tuluyang buksan ni Sennett ang pintuan ay tumingin ito sa gilid niya.


"Gagawin ko ang gusto ko, at yun ang manatili sa tabi niya. Wag kayo mag alala kaya ko na siyang protektahan mag isa. Hindi siya maliligtas ng pag iwas niyo" seryosong sabi niya saka tuluyan nang binuksan ang pinto at tuloy tuloy na lumabas sa kwartong iyon.

\

Naiwang tahimik ang pito sa silid na iyon, si Charlton ay napasandal nalang ang ulo sa sofa, napailing iling nalang sa tabi sina Kenver at Dough. Naglakad naman si Xyler papunta sa isa pang pintuan, pumasok siya doon saka malakas na sinara ang pinto.

MONSTER - Group of GangstersWhere stories live. Discover now