CHAPTER 6

181 17 0
                                    

CHAPTER 6


AUTHOR'S POV


Pagkatapos ng huling klase namin para sa morning class ay agad kaming nagtungo ni Mads sa cafeteria para kumain, para pa kaming nasa paligsahan ng pinakamabilis makaubos ng pagkain dahil halata na nagmamadali kaming matapos kumain.


Pareho yata kami ng iniisip ni Mads na baka maulit ang nangyari nung nakaraang araw na sumabay samin sina Xyler at ang dalawa pang kaibigan nito.


Dalawang araw na rin mula nung araw na yun, dalawang araw na din absent ang dalawa naming kaklaseng Monster pero dalawang araw na din kaming praning ni Mads na magmadaling kumain para hindi na maulit iyon.


Simula din nun ay ilag na samin ang iba naming kaklase maski na ang ibang istudyante na makakasalubong namin ay umiiwas o gumigilid kapag nakakasalubong o nakakasabay namin sa paglalakad para kaming may nakakahawang sakit.


"Nakakainis na talaga, argh!" Inis na sabi ni Mads habang sinabunutan ang sariling buhok gamit ang dalawang kamay pagkatapos ay sumimangot.


Napatigil ako sa paglalakad at tinignan siya, madali kaming natapos kumain ng lunch kaya naglakad lakad muna kaming dalawa, at katulad ng sinabi ko ilag samin ang mga tao.


"Kasalanan to nung mga Monsters na yun eh, sa dami ng table na bakante nung araw na yun sa atin pa talaga sila nakishare?" Tapos nakanguso siyang tumitig sakin. "Av umamin ka nga sakin, may balat ka sa pwet ano? Everytime na makakaencounter ako ng mga member ng Monster ay ikaw ang kasama ko." dagdag niya pa na nakapagpanganga sakin.


"Hala, kasalanan ko ba na trip akong lapitan ng mga yun?" Napanguso na naman siya.


"Kasi naman.."


Naiiling nalang ako at napatuloy sa paglalakad hanggang sa naramdaman ko nalang siya na sumasabay sakin sa paglalakad. Nakarating kami sa dulong bahagi ng campus kung saan matatagpuan ang library.


"Uy Av, saan ba tayo pupunta?" Tanong niya ng mapansin na wala kaming eksaktong patutunguhan sa paglalakad.


"Bumalik na nga tayo" sabi ko na ikinatango niya, saktong pagharap namin ay may natanaw ako sa di kalayuan na mga nakaitim, ramdam ko din na natigilan si Mads.


Agad ako nagpalinga-linga sa paligid, hinawakan ko ang kamay ni Mads at hinatak sa daan sa gilid ng library hanggang sa mapadpad kami sa likod nito.


"OMG! Nakakatakot!" Sabi niya habang nakahawak sa dibdib ang kamay niya. "Alam mo ba yung feeling na tuwing nakikita ko sila ay parang may nakapalibot na itim na aura sa paligid nila? Shaks! Kinikilabutan ako." dagdag niya pa. Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun, sumilip pa siya sa pinanggalingan namin.


"Shit! Av, they are heading here!" Impit na sabi niya saka sumandal sa pader, lumapit ako sa kanya dahil siya ang malapit sa dulo ng pader, sumilip ako at nanlaki ang mga mata ko ng makita na dito nga ang punta nila. Agad ako naghanap ng matataguan namin, hanggang nakita ko ang mga nakatambak na mga sirang tables at chairs, hinatak ko si Mads papunta sa likod ng mga tumpok na sirang upuan na yun kung saan hindi kami agad mapapansin.

MONSTER - Group of GangstersWhere stories live. Discover now