CHAPTER 2

254 23 0
                                    

CHAPTER 2


Aviona POV

Linggo ngayon at walang pasok, tumutulong ako dito sa ampunan para maglinis ng paligid, kada linggo ay mayroon kaming general cleaning para mapanatiling malinis at maayos ang paligid. Sa garden ako naassign para magtanim ng mga bagong halaman at ayusin ang mga lanta na.


"Moira Aviona."


Napatigil ako sa ginagawa at tumingin sa tumawag sakin, agad ko naman inaayos ang sarili saka siya hiranap ng nakangiti.


"Mother Superior."


"Kamusta ka naman hija?" napangiti ako lalo, sinabayan ko siyang naglalakad.


"Ayos naman po ako."


"Kamusta ang eskwela? Alam kong Masaya ka doon dahil pangarap mo makapasok doon." huminto kami sa isang batong upuan at umupo saka napatingin sa mga batang naghahabulan.


"Masaya po ako, nagpapasalamat po ako at nagkaroon ako ng pagkakataon na makapasok doon." kahit na medyo nahihirapan ako dahil mga strict ang mga professor dun ay binabalewala ko lang, siguro ay ganun talaga ang style ng pagtuturo ng mga prof. para matuto ng husto ang mga istudyante at hindi magpa-easy easy lang.


Matapos naming mag-usap ni Mother Superior ay naglakad na din siya paalis at ako naman ay bumalik sa aking ginagawa.





**

"Aviona!"


napalingon ako sa malakas na boses na tumawag sakin, huminto ako para hintayin siya.


"Wow, ang aga mo ngayon Mads." sabi ko sa kanya pagkalapit niya sa kinatatayuan ko, nasa gitna kami ng ground sa loob ng school, naglalakad na ako papunta sa building namin ng tawagin niya ko.


"Grabe ka naman sakin." nakanguso niyang sabi kaya naman napangiti ako, madalas kasi ay saktong alas otso ang dating niya sa room, ngayon nga lang yata siya napaaga ng pasok.


Sabay kaming naglakad papunta sa building namin at dumaretso na room. May ilang kaklase na kami na nandun, may thirty minutes pa naman bago dumating si Sir Gray pero halos yata lahat samin ay nandito na, malamang dahil lahat ay takot malate, mahigpit pa naman yun. Kapag namiss mo ang isang araw ng klase niya ay parang namiss mo na din ang ibang sagot sa tanong sa exam.


"Gosh! I'm starving." napatingin ako sa nakangusong si Mads sa tabi ko.


"Hindi kaba kumain bago pumasok?" tanong ko na ikinalingon niya sakin, umiling siya.


"Kaya nga ako maaga pumasok kasi hindi ako kumain ng breakfast, yung cook naming ay nagkasakit, hindi na nagpaluto si Mom. Ayaw niya kasi kumain kapag hindi luto nung cook namin." napangiwi ako sa sinabi niya saka marahang napailing, buntis kasi ang Mommy ni Mads kaya maselan sa pagkain ultimo ang magluluto ng kakain ay siya ang nasusunod. Kapag ayaw niya ay pati sila Mads at ang daddy niya ay hindi makakain.

MONSTER - Group of GangstersWhere stories live. Discover now