CHAPTER 19

143 19 0
                                    

Chapter 19

AUTHOR'S POV

Itinaas ni Aviona ang dalawang kamay para makapag inat, napatingin siya sa katabing kama saka sa maliit na lamesa na naghihiwalay sa kanilang kama, ibinaba na niya ang kamay saka napabuntong hininga nang makitang walang bawas ang pagkaing dinala niya kagabi para kay Vanna.


Tumayo na siya saka kinuha ang tray na naglalaman ng pagkain, dinala niya iyon palabas saka nagpunta sa kusina, pinalitan niya ang pagkain na nandoon, nilagyan niya din ng gamot at sabi ni Sister ay lagyan niya din ng pain killer at antibiotic kaya naman yun ang ginawa niya.


Bumalik siya sa kanilang silid at ipinatong ulit sa lamesa ang dalang almusal, kumuha nang gamit si Aviona para sa pagligo saka lumabas ng kwarto para makaligo.


Paglabas ni Aviona nang kwarto ay dahan dahang inalis ni Vanna ang kumot na nakatalukbong sa katawan niya, napadaing pa siya ng tamaan ng kumot ang sariwang sugat sa kanyang mukha. Nilingon niya ang lamesa sa may gilid at nakita niya na iba na ang pangkaing nandoon.


"Mabuti pa siya, gusto siya ng gusto niya. Hindi siya nakakaranas ng mga nararanasan ko, ang swerte" sabi ni Vanna sa sarili saka umupo sa kama at sinimulan kainin ang pagkaing kinuha ni Aviona para sa kanya, ininom niya din ang gamot na nandoon dahil hindi na niya kayang tiisin ang sakit ng mga sugat.


Mabuti nalang at naniwala si Sister Carmen na napaaway lang siya sa school kaya nagka ganon ang itsura niya hindi din nakita ng madre ang mga sugat niya sa ibat ibang parte ng katawan dahil nakasuot siya ng jogging pants at jacket ng umuwi siya.


Matapos kumain ay nahiga na ulit si Vanna sa kanyang kama at nagtalukbong, pinagdadasal niya na mabilis na gumaling ang mga sugat na iyon. Matapang siya kaya naman hindi siya panghihinaan ng loob dahil lang sa mga maliliit na sugat na natamo, kailangan niya magpalakas para makaganti sa gumawa sa kanya noon.


Hindi sila nakakuha ng impormasyon sa kanya kaya naman sinaktan nila si Vanna, mabuti nalang talaga at hindi siya tinuluyan ng mga yun. Kahit hindi niya kilala ang mga ito ay gagawa siya ng paraan para makilala ang mga yon.


Napahinto sa pagbukas ng pinto ng kwarto si Mads nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone, kinuha niya ito sa bag saka tinignan, lalong nagsalubong ang kilay niya nang mabasa niya ang nasa screen.


Blainebabe calling..


Napangiwi siya nang ulitin niya ang pagbasa dito, napabuga nalang ng hangin si Mads dahil sa kahanginan ni Blaine, malamang na ang lalaki ang naglagay noon dun nung hiramin nito ang kanyang cellphone. Sinagot niya ang tawag saka tinuloy na ang paglabas sa kanyang kwarto.


"Nasan ka?" napairap si Mads sa tanong nito, dumaretso siya nang lakad papuntang kitchen nila.


"Home." sagot niya dito saka kumuha ng sandwich na nakahanda sa dining table, wala doon ang mommy at daddy niya malamang ay maagang pumasok ang kanyang daddy sa opisina ang mommy naman niya ay sigurado siyang tulog pa.


"Nandito ako sa labas ng bahay niyo." napaubo si Mads at dali daling inabot ang baso ng gatas na nasa lamesa, tinapik tapik niya pa ang dibdib dahil sa sakit na naramdaman. Napalingon siya sa may pwesto ng pinto ng bahay nila na tanaw muna sa dining area na kinatatayuan niya.

MONSTER - Group of GangstersWhere stories live. Discover now