CHAPTER 12

177 19 0
                                    

 CHAPTER 12

AUTHOR'S POV

Takot na takot si Aviona habang hatak hatak ng lalaki, napatitig siya sa dalawang lalaking may hawak sa kanya, doon niya napagtantong ang dalawang lalaki na iyon ay ang mga lalaking nakatama sa kanya ng bola kahapon nang mapunta siya sa may soccer field.

"A-ano bang kasalanan ko sa inyo." mangiyak ngiyak nitong tanong, huminto sila sa paglalakad ng mapunta sila sa likod ng isa sa mga building, itinulak siya ng isang lalaki dahilan para tumama ang likod siya sa pader ng building.

"Because of you we got kicked in the soccer team! Ang tagal naming nagpakahirap para lang makapasok sa team tapos dahil sayo masasayang lang lahat ng hard work namin!" gigil na sabi nito, naguguluhan naman si Aviona sa sinabi nito.

"W-wala akong alam sa sinasabi mo." sabi niya saka daretsong tumingin sa lalaki, napabuga ng hangin ang lalaki.

"Oh? You didn't know yet? Si Silva, pinatanggal niya kami sa team dahil lang natamaan ka namin ng bola!" malakas na sabi nito, napatulala nalang si Aviona sa dalawang lalaki sa kanyang harapan.

"Natanggal na lang din naman kami sa team, sulitin na namin." sabi ng isang lalaki na ngayon ay may hawak na bola habang nakangising nakatingin sa kanya, napakagat ng labi si Aviona napayuko siya at pumatak ang luhang kanina pa niya pinipigil.

**

Nanginginig ang kamay ni Mads habang hawak ang cellphone nakaupo siya sa kanilang classroom, parang maiiyak na siya sa pag aalala sa kaibigan. Napaangat ang tingin niya nang marinig ang pagpasok ng kung sino sa pinto.

"Nasaan siya?" napatulala si Mads habang nakatingin sa walong lalaking nakatayo ngayon sa harapan niya, napaawang ang bibig niya pero hindi niya magawang magsalita. Lumapit sa kanya si Blaine, hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Saan dinala ang kaibigan mo?" tanong nito sa kanya, napatitig siya sa mukha ni Blaine na kunot noong nakatingin sa kanya.

"B-bakit kasama sila?" tanong nito. Napaitad siya ng marinig ang malakas na tunog nang pagsipa ni Sennett sa isa sa mga upuan.

"Damnit! Can you just fcking tell us where they bring Aviona!" inis na sabi nang lalaki, napalunok si Mads saka dahan dahang napatayo, nauna siyang maglakad palabas ng room.

Nagtanong tanong siya kung may nakakita ba sa dalawang lalaki na kumuha kay Aviona, may nakapagturo sa kanila kung saan ito nakitang pumunta.

Napakuyom ang kamao ni Xyler nang Makita ang dalaga na nakaupo sa sahig habang nakatayo sa harap nito ang dalawang lalaki, Itinaas nang isang lalaki ang kamay nito na may hawak na bola at handa nang ibato sa kaawa awang babae nang may kamay na pumigil dito.

Gulat na napatingin ang lalaki sa humawak sa kamay niya pero isang malakas na suntok agad ang natamo niya mula dito. Nanlilisik ang mata ni Sennett habang nakatingin sa lalaking sinuntok na ngayon ay napaupo na sa sahig.

Napaangat naman ng tingin si Aviona, gulat din ito nang Makita ang nakaupo na sa sahig na lalaki. Napatingin siya sa paligid, napakagat siya ng labi ng Makita ang kaibigan na nakatayo sa di kalayuan at awang awa na nakatingin sa kanya.

Parang simikip ang dibdib ni Xyler nang Makita ang mukha ni Aviona na basang basa ng luha ang labi nito ay namumula halatang natamaan ng matigas na bagay. Mabilis na naglakad si Xyler palapit sa kinaroroonan ni Aviona, napatitig sa kanya ang dalaga.

Inangat ni Xyler ang kamay papunta sa mukha ni Aviona, pinunasan niya ang patuyo ng luha sa pisnge nito saka tipid na nginitian. Napatingin siya sa mga kasamahan na nakatingin din sa kanya, tinanguan niya ang mga ito kaya sabay sabay na napangisi.

MONSTER - Group of GangstersWhere stories live. Discover now