CHAPTER 17

105 17 0
                                    

Chapter 17

AUTHOR'S POV

Hindi pumasok si Sav sa kanyang iskwelahan, imbes na pumasok ay dumaretso siya sa black house. Pagdating niya doon ay tahimik ang lugar malamang ay wala na doon o natutulog pa ang mga tao. Dumaretso agad siya sa lugar kung saan nagsisilbing hapagkainan ng bahay.
Hinagis ni Sav ang dalang bag sa mahabang mesa na gawa sa makapal na kahoy, naglakad siya sa counter sa kitchen kung saan may cabinet na pinaglalagyan ng mga mamahalin at iba't ibang klase na alak. Kumuha siya ng isa saka sinara ang cabinet, wala siyang pakialam kung mahal ba yun o malakas makalasing ang alak na kinuha niya, ang gusto niya lang ay uminom.
Magdamag siyang hindi nakatulog dahil sa nasaksihan, kahapon din ay panay ang text niya kay Blaine pero hindi man lang siya nito nireplyan maski isang beses, napahinga ng malalim si Sav saka tinignan ang hawak na alak.


"Siguro naman makakatulog na ko pag naubos ko to." sabi niya saka naglakad sa mahabang lamesa, pagkaupo niya ay agad niyang binuksan ang alak na iyon saka sinimulan lagyan ang kinuha niya ding baso.


Bawat lagok ay hindi niya iniinda ang mapait na lasa ng alak, tinuloy tuloy niya lang ang pag inom hanggang sa nakalahati niya na iyon. Nakadukdok na siya sa lamesa pero sige pa rin ang inom niya.


"Oh? Ang aga niyan Sav ah" sabi ng isang lalaki nang pumasok siya sa kusina para kumuha ng maiinom isa iyon sa kasamahan nila sa grupo. Hindi ito pinansin ni Sav. "Nakauniform kapa, hindi ka pumasok para makainom? Ayos ah" dagdag pa nito pero katulad kanina ay hindi pa rin siya pinansin o nilingon man lang ni Sav kaya napailing iling nalang ang lalaki saka umalis sa lugar.


Habang nakapatong ang ulo sa lamesa ay nakatitig lang siya sa bote ng alak na nasa harap ng mukha niya, bigla siyang natawa. Natatawa siya dahil naaawa siya sa sarili.


Ramdam na ni Sav ang pagbigat ng talukap ng kanyang mata kaya naman pinilit niyang tumayo, napahawak pa siya sa sandalan ng isa sa mga upuan na nandun nang mawalan siya ng balance. Iniling iling niya ang ulo saka nagsimula nang maglakad kahit pa pasuray suray na siya.


Ginugulo ni Kenver ang buhok habang naglalakad, kakagising niya lang at papunta siya sa kitchen para uminom ng tubig nang mapahinto siya sa paglalakad dahil nakita niyang pasuray suray na naglalakad si Sav, ibinaba niya ang kamay na nasa ulo niya saka salubong ang kilay na nakatitig lang sa dalaga.


Nang malalampasan na siya ng dalaga ay bigla ito nawalan ng panimbang mabuti nalang ay nasalo agad siya ni Kenver, halata ang pag aalala sa mukha ng lalaki habang nakatitig sa nakapikit na si Sav.


"B-blaine.. bwiset..ka.. a-ayoko na sayo..." sabi nito habang nakapikit, dun napagtanto ni Kenver na nakainom ang dalaga, napailing siya nang tignan niya ang oras sa dingding. Ang aga maglasing ng babae at alam niya kung bakit.


Nakaramdam siya ng awa kay Sav at inis para kay Blaine, ganon niya nalang itapon ang nararamdaman ng babae para sa kanya. Dahil sa tingin ni Kenver ay tulog na ang dalaga ay binuhat niya ito saka sinimulang maglakad papunta sa direksyon ng kwarto niya.


Dahan dahang binaba ni Kenver si Sav sa kanyang kama, kinumutan niya pa ito. Napatitig siya sa mukha nito saka tinaas ang kamay akmang hahawakan niya na ang pisnge nito nang isarado niya ang kamao saka binawa ang kanyang kamay.


Tumayo na siya saka naglakad palabas ng kwartong iyon, pagsarado niya ng pinto ay saktong paglabas ni Blaine sa pinto ng kanyang silid na katapat lang ng kwarto ni Kenver, napaangat ang tingin nito sa kanya saka siya tinanguan. Maglalakad na sana paalis si Blaine nang magsalita si Kenver kaya naman napahinto ito saka lumingon.


"Gago ka talaga nu? Ganon mo nalang basta balewalain si Sav?" seryosong sabi niya saka napalingon sa kinatatayuan ni Blaine.


"Anong sinasabi mo?" takang tanong nito sa kanya, kahit na naiinis na si Blaine dahil sa pagmumura sa kanya ni Kenver ay kinalma niya ang sarili.

MONSTER - Group of GangstersWhere stories live. Discover now