CHAPTER 20

129 17 0
                                    

CHAPTER 20

AUTHOR'S POV


Hindi makagalaw sa kinatatayuan si Aviona, ayaw niyang gumawa ng kahit na anong ingay dahil baka maistorbo niya ang ginagawa ni Dough. Minsan niya na nakausap ito pero hindi niya akalain na sobrang ganda pala ng boses nito.


Nakangiti lang siya habang pinagmamasdan ang lalaki na kumakanta habang tumutugtog ng gitara. Napapikit si Aviona habang pinapakinggan ang pagkanta ng binata, biglang may ala alang bumalik sa isipan niya.


Mapait na napangiti si Aviona habang inaalala ang isang kaibigan na lagi siyang kinakantahan, tuwing hindi siya makatulog ay pinupuntahan siya nito para lang kantahan hanggang sa makatulog.


"Hey!"


Napadilat si Aviona nang marinig iyon, huminto na din sa pagkanta si Dough, napatingin siya dito na nakatingin din sa kanya, kanina pa ito tinititigan ni Aviona pero ngayon lang niya naisip na nakaupo nanaman sa pasimano ang lalaki kung saan delikado.


"Ahh.. Ano—"


"Come." nagulat si Aviona ng itaas ni Dough ang isang kamay at sinesenyasan siyang lumapit dito, pinaling nito ang ulo habang nakatingin sa kanya. Napalunok si Aviona saka dahan dahan naglakad palapit sa kinauupuan ni Dough.


"J-Jan ka nanaman nakaupo." lakas loob na sabi niya sa lalaki pagka lapit niya dito. Tinignan naman siya nito pero binawi din ang tingin, nasa gitarang hawak na ulit ang atensyon nito.


"Why are you here? you missed the first class." sabi nito habang sa gitara pa din nakatingin, napaawang naman ang bibig ni Aviona. Oo nga't hindi niya pinasukan ang unang klase, paano ba naman mayayari siya kay Sir Gray kung sakaling pumasok pa siya.


"A-ano... ano kase—"


Hindi na naituloy ni Aviona ang sasabihin nang biglang tumugtug nanaman ng gitara si Dough, napatitig nalang siya dito habang nagsisimula nang kumanta. Napakagat siya ng labi nang marinig ng malapitan ang boses nito.


(Nakaupo sa isang sulok ang batang babae habang nakayuko, bakas sa mukha nito ang mga luhang galing sa kanyang mga mata. Humihikbi hikbi pa ito.


"Moi.."


Inangat ng batang babae ang kanyang ulo at nakita niya ang isang batang lalaki na kunot ang noong nakatingin sa kanya, lumapit ito sa kanya saka lumuhod sa harapan niya para magkasingpantay na sila.


"N-na panaginipan ko ulit yung h-halimaw, k-kukunin niya ulit ako." sabi ng batang babae saka nag umpisa nanaman itong umiyak, nalungkot naman ang batang lalaki dahil sa pag iyak nito.


"Hindi kana kukunin ng halimaw, halika na matulog kana ulit." umiling iling ang batang babae sa sinabi nito. Natatakot itong bumalik sa pagtulog dahil baka managinip nanaman ito ng masama.


"A-ayaw!" napanguso naman ang batang lalaki sa pagtangging sumama sa kanya ng batang babae.

MONSTER - Group of GangstersWhere stories live. Discover now